xxxxviii

Mga ganitong panahon last year, perstaym kong maka-holding hands ka. Sariwang-sariwa pa sa alaala ko yung unang pagkikita natin sa airport, kung paano ka halos tumakbo papunta sa’kin para yakapin ako. Kung paano ka nagpabalik-balik at nagpalakad-lakad kasi ramdam ko pa rin yung pagkailang at kaba mo sa unang pagkikita natin. Kung paanong nakalimutan kong ilabas yung telepono ko para i-video yung unang “eyeball” natin kasi nga nataranta rin ako. Kung paanong maya’t maya akong nananalamin para i-check ang sarili ko dahil baka may dumi ako sa mukha habang naghihintay sa paglabas mo. Ayokong marumi ang mukha ko pag nakita mo ko. Ilang tissue rin ang nagamit ko dahil pinapawisan ako nang malamig at unti-unting nagiging oily ang mukha ko. Sa kabila ng kaba ko, nagawa ko pang maging vain, ano?

Alam na alam ko pa rin yung pakiramdam na mayakap ka sa unang pagkakataon, pati yung amoy mo at ng paligid. Kabisado ko pa rin yun dahil yun ang pinakapaborito kong alaala ko sa’yo kasi yun ang pinakamatamis. Yung isang wisik o singhot ko lang sa pabango mong pinilit ko pang iwan mo sa’kin, natri-trigger ang lahat ng masasayang memories nating dalawa mula sa unang araw mo rito. Miss na miss na kita, birthday girl. Dalawang buwan pa at matatapos na rin ang pagititiis natin. I love you, love.

AKO vs 2013

Alam kong maraming may ayaw sa 2013 kaya sana walang nega star. Kasi ito na ang lumevel kay 2008 bilang paborito kong taon. Nilampasan pa nga. Nagpaandar si 2013 sa’kin, wag ka. Kaibahan lang ni 2008, single ako nun kaya na-enjoy ko. Pero mas masaya ngayon kasi may Ishe ako. Pareho naming paborito ang 2013.

Isa sa mga pinakapinasasalamatan ko ngayong 2013 ay ang mga bagong kaibigang nakilala ko, mga kakilalang naging kaibigan na talaga at ang mga mahal sa buhay ng taong pinakamamahal ko na ginawa na rin akong parte ng mga buhay nila. Masaya akong sabihing mas marami ang nadagdag kumpara sa nabawas na mga tao. Mas nagkaroon ako ng panahon para sa pamilya ko. Isa sa mga paborito kong parte ang magandang naidulot sa’kin ng paggawa ko ng ask.fm/tanginatibs. Mas marami akong naabot na mga tao kahit hindi ko sila kilala lahat personally, mas nagkaroon ako ng silbi bilang isang lesbiana, mas marami akong napatunayan, mga naging bagong kachokaran, at marami pang iba. At dahil sa mga karanasang yan, natuto akong maging mas bukas sa mga bagong kaibigan at alisin sa buhay ko ang matagal nang dapat ay wala. Naging mas madali na ngayon sa’kin ang pagiging bukas sa katotohanang hindi lahat ng tao ay permanente at may mga tao talagang hinahanap ka lang pag kailangan ka. Hindi na gaanong nakaka-trauma para sa’kin ang magpaalam sa isang kaibigan.

Hindi man ako nakabyahe nang marami ngayong taon kumpara noong 2012, okay lang dahil iniipon ko ang lahat ng lakas ko para sa 2014. Mas excited ako dahil makakasama ko na si Ambrocio sa lahat ng mga lakad. Kahit sa kanto lang namin yan. Kahit doon lang sa bilihan ng lugaw at isaw. Sana mas maraming byahe sa 2014! Ipu-push ko talaga yan! ‘Di bale nang magutom kami.

Paborito ko ang 2013 dahil sa naging pagsasama namin ni Ambrocio at sa patuloy na pagganda at pagtibay ng relasyon namin. Hindi na ko makahintay na salubungin ang 2014 dahil alam kong ilang buwan na lang ang bibilangin at makakasama ko na siya araw-araw at matutulog at gigising na ko sa mga yakap at halik niya.

Humabol man ang medyo maraming angst ko sa mga tao nitong mga nakaraang araw, hindi naman ako papatalo because I promised myself that I’ll get over it before 2013 ends. I still have 6 hours. Mwehehehe. Ayoko nang maging antisocial. Antisocial pa ko sa lagay na yan, teh. Hahaha!

Ayun na nga. Mas maganda kung wag na kayong magalit masyado sa 2013 dahil siguro naman mas may pangit na taon pa kayong napagdaanan pero kineri ng powers niyo, ‘di ba? Maging excited na lang tayo sa ihahatid ng taong paparating sa mga buhay natin at pilitin nating maging makulay ito. At syempre, sa labanang AKO vs 2013, malamang ako ulit ang nanalo.

HAPPY NEW YEAR, KIDS! MAGPASABOG TAYO SA 2014!1508513_3930959289153_38541779_nHAHAHAHAHAHA!

WANYIR

Dear Ambrocio,

Ito ang pinakahihintay natin, isang taon na tayo. Ang bilis! Kasing-bilis ng unang season ng The Walking Dead! Parang six months ago lang, magkasama lang tayo, and we were the happiest people on Earth. Ibang klase! Masaya tayo, oo, pero mas masaya tayo pag magkasama. Siguro yun ang dahilan ng mga luha natin nang bumalik ka na sa parte mo ng mundo. Ubod nang saya kaya ayaw nating maghiwalay na sana hangga’t maaari.
Pero kita mo naman, mahal ko, lagpas anim na buwan na agad ang lumipas. Konti na lang, alam kong magkakasama na tayong muli. Mayayakap at mahahalikan na naman kita. Miss na miss ko na ang mainit mong katawan. Hindi ko na kailangang magkumot dahil nakapa-warm mo sa lahat ng aspeto.
Mahal ko, maraming salamat. Maraming salamat dahil pinayagan mo kong pumasok at masaksihan ang buhay mo mula sa point of view ko bilang girlfriend mo. Salamat dahil ipinagkatiwala mo sa’kin ang ibang bagay na matagal mong tinago sa sarili mo nang matagal na panahon. Salamat dahil alam kong nagsisipag ka lalo ngayong magtrabaho dahil gustung-gusto mo na kong makasama, ituloy ang mga plano at abutin ang mga pangarap natin. Salamat sa pagmamahal, sa pagkukunsinti sa mga kabaliwan ko, sa appreciation, sa pagsasabi sa’king maganda ako kahit hindi pa ko naliligo o bagong gising ako, sa pagsunod sa mga layaw ko, sa pangii-spoil sa’kin, sa pagiging good listener, sa minu-minutong pagsasabi’t pagpapaalala kung gaano mo ko kamahal, at marami pang iba. Napakahaba ng listahan ko.
Nakaka-amaze pa din minsan sa tuwing naiisip natin kung gaano tayo ka-swak sa isa’t isa. Kung gaano tayo kapareho at magkaiba. Kung paano tayo nagkakasundo at nagkakaiba sa napakaraming bagay. Yung mga kahinaan ko, yun ang kalakasan mo, at ganun din sa’yo. Magkaiba tayo pero tumutugma pa din. SWAK. Wala na yatang ibang salita para dyan.
Sa isang taon natin, parang wala pang sampung beses tayong nagtalo. At yung mga pagtatalo na yun pa ay sobrang babaw. Kagaya na lang ng hindi tayo pareho ng na-download na version nung dalawang movies na napanood natin. Director’s Cut ang akin, yung sa’yo theatrical version. Yung mga pag-aaway pa natin, hindi pa mismo dahil sa ugali natin o masamang ginawa, kasalanan ng Piratebay pa minsan. Joke lang. Pero ang saya, ang payapa. May mga araw na magka-Skype tayo pero may iba tayong ginagawa, nanonood ka ng random videos sa YouTube at ako naman nagbabasa ng libro o kaya naglalaro ng Campus Life. Tapos kung may makita o mabasa tayong interesting, ibinabahagi natin sa isa’t isa. Nakakatuwa lang na minsan kahit hindi tayo nag-uusap, alam nating andun tayo pareho, na walang mali, na hindi tayo bored sa relasyon natin. Kasi alam kong kung magkasama tayo ngayon, ire-respeto talaga natin na kailangan natin minsang gawin ang mga hilig natin kahit magkatabi pa tayo. At yun ang isa sa mga gustung-gusto ko sa’yo, hinahayaan mo ko, sinusuportahan mo ko. At nae-enjoy natin pareho ang katahimikan.
Ni minsan hindi ko naramdaman sa’yo na ka-kumpitensya kita sa kahit ano. Alam kong tunay na masaya ka para sa’kin sa tuwing may maganda akong balitang bitbit, yung walang halong inggit, yung ramdam kong proud ka sa’kin. At alam mong ganun din ako. Kapag may maganda kang balita, minsan parang mas excited pa ko sa’yo na parang ako mismo yung nakakaranas nun. Isang halimbawa na lang yung dapat na sorpresa ko sa’yo para sa anniversary natin. Hindi ko napigilang sabihin sa’yo sa sobrang excitement.
Isa pa yan, hindi natin kailangang i-impress ang isa’t isa o ang ibang tao para lang may mapatunayan. For the first time in my life, kumikilos ako para sa sarili ko. Nagmamahal ako dahil nagmamahal ako at hindi dahil may gusto akong patunayan sa ibang tao.
Isang taon na tayo pero hindi nagiging sanhi ng kalungkutan natin ang milya-milyang distansyang namamagitan sa’tin. Ni hindi nga yata tayo nakakaramdam ng lungkot e. Isang beses lang tayo napaiyak ng distansyang yan, nang umalis ka na sa piling ko’t bumalik ka dyan. Pero pagkatapos nun, mas malakas na tayo more than ever.
I love how consistent we’ve been since day one. Yung mga pinangako natin sa isa’t isa nung simula pa lang tayong mag-usap, natutupad pa din natin. Lahat ng sinabi nating gusto natin, yun pa din. Hindi nagbago kahit naging tayo na, kahit nagkita’t nagkasama na tayo. Ang galing.
Mahal na mahal kita. Hindi na ko makahintay na makasama ka ulit. Hindi na ko makahintay na bumalik ka sa’kin at hindi na umalis ulit. You’re my love, my best friend, my everything. A, basta, akin ka na poreber. Walang bawian, touch-move.
I LOVE YOU.
Bogart

Babae ka?

Most men are pigs. 

Pag ang lalaki ay nagloko, hindi mo pwedeng basta lang ipasa sa pagkukulang ng babae ang sisi. Nagloloko sila dahil nagloloko sila. Minsan nga, ‘di ba, magugulat pa ang iba kung paano nagawang magloko ng isang tao kahit sobrang bait o ganda na ng asawa niya? Kung anuman ang binibigay niyang dahilan, ang bottomline pa din nun ay nagloko siya. Pinili niyang magloko. Nung mga oras na nasa gitna siya ng pag-iisip kung mali ba o hindi ang gagawin niya at mas pinili niyang magkamali, kargo niya na yun. Labas na ang asawa niya dun at ang kakulangan niya. 

Hindi ako manhater. At lalong hindi ako lesbiana dahil takot o ayaw ko sa mga lalaki. In fact, I grew up in a male-dominated environment. Even though my father died four days after I was born, maraming nagsilbing father figure sa’kin dahil sa pitong magkakapatid, nag-iisang babae ang nanay ko. Habang lumalaki ako, mas madali sa’king makipag-usap at makipagkaibigan sa mga lalaki. Nung high school ako, doon na ko nagsimulang magpapasok ng mga babae sa buhay ko–bilang kaibigan o bukod pa.

Nang nagkaroon na ko ng sariling boses at pag-iisip, unti-unti na din akong napapasok sa mga paksang pang-matatanda lamang. Maswerte ako dahil nakikinig sa sinasabi ko ang mga mas nakakatanda sa’kin. Kaya minsan, kahit ayokong makasagap ng masamang balita, nasasabi pa din sa’kin. At kung minalas-malas, nabre-break siya sa’kin ng alas tres ng madaling-araw. At yun na nga, nung mga oras na hindi na ko makabalik sa pagtulog, pinag-isipan at tinimbang ko ang lahat ng mga pangyayari. Dahil sa ayaw ko’t sa hindi, parte ako ng sitwasyong ito. 

Sa nakikita kong nagiging kapalaran ng mga babae sa mga lalaking dapat ay nagsisilbing role model sa aming nasa sunod na henerasyon, mas lalong napagtitibay ang pagnanais kong manatiling ganito hanggang sa mamatay ako. Dahil sa mga pananakit na ginagawa nila, mas lalong ginugusto kong iparamdam sa kapwa ko babae na dapat ay minamahal sila nang tunay. Na karapat-dapat sila sa tunay na kaligayahan. Na hindi ang katumbas lang ng pagmamahal ay pagtitiis at paghihirap.  

Kung sa pagiging lesbiana ko makakamit ang kasiyahang ipinangako ng universe sa ating lahat, mas paninindigan at ipaglalaban ko ang karapatan ko. Hindi ang definition ng happiness ng iba ang susundin ko. Hindi ako aayon sa gusto ng iba at ipagkakait ko ang dapat ay sa akin. 

Hinding-hindi.

 

 

xxxxviii

Aside

Nami-miss ko na yung kapag niyayaya kitang sabay na tayo maligo tapos sasabihin mo sa’king mauna na ko at uubusin mo lang ang yosi mo pero alam kong hindi rin naman tayo makapagsasabay kasi mari-realize kong dapat talaga e laging ako ang mauunang maligo dahil marami pa kong seremonyas. Hindi kagaya mo na kapag nakapagbihis na, yun na. Nami-miss ko rin kapag walang humpay kang nagsasabi ng I LOVE YOU habang nasa loob ako ng banyo. Paulit-ulit na, “Love? I love you!”

“Love? I love you?”

“Love? I love you!”

Nami-miss ko na kapag tapos na kong maglagay ng make-up ay hihiga ka na sa tabi ko at magpapalagay ka sa’kin ng eyeliner at mascara at magpapaayos ka ng kilay. Sabi mo sa’kin mo lang gustong magpalagay ng kolorete sa mukha dahil hindi ka nagmumukhang bakla. At oo, gusto mong nakahiga ka lang kapag inaayusan kita, mahal na prinsesa.

Miss, bakit ang ganda mo?

Image