Sulat para kay Ambrocio I

Dear Ambrocio,

Ilang araw na lang pala, SECOND MONTHSARY na natin. Pero atin-atin na lang yan. Basta ipangako mong pagtapos ng isang taon, taon na talaga ang bibilangin natin at hindi buwan ha? Oo, taon. Aabutin tayo ng taon. Hindi lang lahat ng kilala kong psychic ang nagsabi nyan, pati lahat ng mga kaibigan at ka-barangay namin nagsasalita na din. Pati trike drivers sa kanto namin, pinag-uusapan na din yan. Isama mo na din yung mga chismosang nagtitinda ng ulam malapit dito sa’min. Aba’y pina-plano na ang gown na isusuot nila sa kasal natin! Gusto pa kamong gawin kong flowergirls ang mga anak nila! Yung mga barbero pa nga sa kabilang kalsada, madalas nang magkamali ng gupit dahil iniisip na nila yung amer’kanang gagamitin nila!

Kita mo, hindi lang tayo ang eksayted na magkatuluyan tayo, sila din. Bibiguin ba natin sila?

Basta sabi ko bigyan nila tayo ng limang taon para mapaghandaan yang engrandeng kasal na yan dahil balak kong magpakatay ng limampung baboy, isandaang manok, banye-banyerang isda, isang buong sakahan ng palay at isang gubat ng prutas para sa handaang magaganap. Ano sa tingin mo, mahal ko?

Pucha, nakakagutom isipin yung napakaraming manok. Kung ako lang kaya ang kakain ng isandaang manok na yun, ilang araw ko kaya matatapos lahat yun? Teka nga, alas dos na’t hindi pa ko nanananghalian. Makakain na nga muna.

Bogart

12 thoughts on “Sulat para kay Ambrocio I

  1. Pinaghahandaan ko narin ate. Nagiisip na ako kung magkano ba iipunin ko araw araw para sa ticket ko pauwi for your engrandeng kasal! Inimbitahan ko na sarili ko. Haha!

  2. Limang taon pa?! E di ibig sabihin give way ka muna sa kung sinong susunod kila Ate Elaine at Ate Tish at Ate Sheena?hehe Kero pa limang taon. By that time siguradong graduate na ako at may ipon, kahit may utang sa gobyerno. Paghahandaan ko din yan. =)) At inimbitahan ko na din sarili ko. =)))

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s