Pag-usapan natin si Ambrocio

Bilang nawala sa utak ko yung dapat na isusulat ko dito kagabi, hayaan niyong ipakilala ko muna sa inyo si Ambrocio. Malamang nakikita niyo na ang mga larawan niya sa halos lahat na yata ng social networking sites na may account ako pero gusto ko siyang ipakilala sa inyo.🙂

Hindi ko na matandaan kung nasabi ko na ang mga katagang ito noon tungkol sa isang tao pero isa lang ang sigurado ako, I really mean it this time. Hindi siya yung dala lang ng pagkabata o ng kawalan ng experience, hindi rin dahil masyado akong excited kaya napapaniwala ko ang sarili ko sa mga maliliit na pantasyang meron ako at kung anu-ano pa. Ito yung relasyong dumaan talaga sa proseso bago masabing “kami” na talaga.

Kung iba-base mo sa tweets at Facebook posts ko ang personalidad ko, mahuhuli mo naman agad kung ano talaga ako. Alam kong maraming taong halos kasing-siraulo ko ngunit bihira ang swak na swak talaga sa kagagahan ko. At doon na natin maaaring ipasok si Ambrocio. Siya na yata ang pinaka-saktong tao na maaaring itapat sa akin. Yun bang saktong amount ng kagagahan at kaseryosohan. Kahit naman noon pa na nagpapalitan kami ng pick-up lines sa Facebook, minsan kahit hindi ko na ihirit, alam niya na agad. At para sa’kin, bihira ang ganun, yung nagbibigay ng oras para lang tapusin ang bawat pangungusap na lalabas sa bibig mo.

Nagtataka kayo kung bakit Ambrocio. Para lang din yang Bogart ko. Yun din ang pangalan na gusto niya kung magiging lalaki siya. Para sa mga nag-iisip kung Ambrocio nga ba ang apelyido niya, mali kayo. Tan po ang apelyido niya, may lahing intsik ngunit hindi mukhang intsik.

So ayun na nga, unti-unti ko siyang ipakikilala sa inyo sa mga susunod na blog entries. Kasi kung ipagkakasya ko sa isa lang, baka maging nobela na ‘to. Basta ang pinakapatikim ko ay… sa tingin ko siya na talaga. Ngayon ko lang sasabihin ‘to. Unang beses ko lang naramdaman ang ganito kaya maniwala kayo sa’kin. Sa dinami-dami ng relasyong pinagdaanan ko, dito ako naging lubos na masaya. Ito yung pagmamahal na nabuo at lumago dahil sa simpleng gaguhan, kwentuhan, tawanan, panonood ng mga pelikula, pagkanta nang sabay at kung anu-ano pang maaaring gawin sa pamamagitan ng Skype, iMessage at WhatsApp at hindi dahil sa libog o paglalandi lamang. Nakilala ko muna ang buong pagkatao niya bago ko nasabing talagang gusto ko siya. Malaking factor na magkalayo kami dahil alam kong mas malalim yung pagkagusto at pagmamahal. Sabi ko nga, ganito na ka-intense yung pag-ibig kahit magkalayo kami, pa’no pa pag nagkasama na nga talaga kami, ‘di ba? Malamang magsasabog talaga kami ng positive vibes.🙂

Hayaan niyong tapusin ko ito sa pamamagitan ng nakapa-mainit na larawan niyang ito.

Ang nakakatawa dyan, minsan kinikilig pa din ako pag tumitingin siya sa’kin tapos ngingiti at sasabihing, “Ang ganda mo ngayon ah.” Okay, fine, madalas. Kwento ko sa inyo sa susunod kung pa’no ko siya nakilala at kung pa’no namin sinagot ang isa’t isa. Haha.

At para sa inyo na nasa US din, taga-LA nga pala siya.🙂

13 thoughts on “Pag-usapan natin si Ambrocio

    • Hahaha! Pareho kaming magandang pogi!🙂

      Salamat, sis! Sobrang nakakataba ng puso yan. At oo, pupuntahan ko siya next year pag medyo malamig na para makaranas ulit ako ng kalamigan. Haha. Magkita tayo kapag natuloy ako!🙂 Pero siya muna ang mauunang umuwi sa mga bisig ko. Naks.

  1. Napanood ko din yung video..pero una kong nabasa yung comment sa ilalim nun tungkol sa kanta kaya akala ko kumanta sya! =))

    Pero natawa ako. Ang lapit ko pa sa monitor ko at f na f ko ang pagbabasa..inunahan ako ng utak ko kasi akala ko “swak sa katauhan ko” yung mababsa ko at hindi “kagagahan” =)) Tawang-tawa lang ako.hahaha

    Kapag nag-LA ka ate pwede segue way ka dito sa amin? Pakibitbit na din sila ate Elaine hehe. Malamig pala gusto mo e. Ipaparanas ko sayo ate ang lamig dito.😉

      • Oooh soon na po ba yan? Sana hindi pa this year kasi ako po muna dadayo dyan ha? hehe baka magkasalisihan tayo e. Sana kapag pumunta ka dito ate maabutan mo yung season na pwede mag-snowboard.🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s