Tangina Tibs

http://twitter.com/tanginatibs

Malamang sa makakabasa nito, lalo na sa mga kaibigan ko, malalaman niyo na ngayon na ako pala ang nasa likod ng siraulong account na ‘to. Sinimulan ko siya nung Pebrero, nung kainitan ng break-up ko. Pero hindi ko siya ginawa dahil malungkot ako o ano. Maniwala ka, masayang-masaya ako nung mga panahong iyon. Wala namang sobrang interesting na istorya kung bakit ko siya ginawa, basta lang isang araw, naburyong ako. Ganun lang. Noong panahon ding iyon naglabasan ang lahat ng Tangina accounts sa Twitter: Tangina Bro, Tangina Mars, Shutangina Beks. Napansin kong walang Tangina account para sa mga lesbiana, kaya ayun. Ganun lang naman ang kwento.

Bilang ang tagal ko na ding aktibo sa mundong ito, masasabi ko namang marami na din akong naipong kaalaman at experiences. Hindi man ako kasing-talino ng iba, kagaya na lang ni Libay Cantor, alam kong kaya ko naman sigurong i-meynteyn ang account na ‘to.

Hindi ko na nga lang masyadong matandaan kung kailan ko eksaktong ginawa ang Tangina Tibs. Basta pagkatapos ng dalawang araw, mayroon na kong 200+ followers. Samantalang yung personal Twitter account ko, isang taon na nung mga panahong iyon pero nasa ganun pa lang din ang bilang. Sa ngayon, mayroon akong 2,782 followers. Hindi siya kasingdami ng ibang Tangina accounts ngunit masaya akong maging parang “hub” ng mga lesbiana sa Twitter. Para na nga siyang Downelink ng Twitter.

Nung una, puro patawa lang ang tini-tweet ko sa tono ng isang dirty old tibs. Kaya nga siguro maraming nag-aassume na butch ako noon. Kinailangan ko pang sagutin ang mga tanong kung butch ba ko o femme. Syempre sabi ko purple ako, yung nasa gitna o halo ng blue at pink. Futch o bemme. Kahit ano pang gusto mong itawag dyan. Basta ang alam ko, lesbiana ako, period.

Nakakatuwa lang din, hindi lang puro mga pacute o yung mako-consider nating “jejemon” ang mga naunang naging followers ko. Maraming mga matatalinong tibs ang kumakausap sa’kin. Siguro nai-intriga talaga sila kung ano at sino ako. Medyo naging palaisipan pa nga ang edad ko, baka daw isa nga talaga ko sa mga dirty old tomboy. May ilang artikulo na din na napasama ang Tangina Tibs at in fairness naman ay napuri din ako. Kinikilig pa din ako hanggang ngayon sa tuwing naiisip ko yun.

Marami rin namang naitulong at naituro sa’kin ang Tangina Tibs. Bukod sa nakakilala ako ng mas marami pang kaibigan, dito ako natutong maging mas sociable. Kahit ganito ang personalidad ko, madalas awkward pa din ako lalo na sa unang pagkikita. Kahit madaldal ako, ang ending minsan, hindi ako nagsasalita. Natutuod ako. Binago ng Tangina Tibs yan. Nagagawa ko na ngayon maging mas friendly, nabawasan na ang pagiging mahiyain ko. (Akalain mo yun? Mahiyain pala ko?) 

Hindi na nga lang kasing-aktibo noon yung Tangina Tibs ngayon. Syempre naubusan na din ako ng mga ibubuking tungkol sa mga lesbiana. Ngunit pinipilit ko pa din siyang panatilihing buhay sa pamamagitan ng random tweets, pagre-retweet ng kung anung kinatuwaan kong mabasa, pagbabahagi ng mga isinulat ng ilan sa followers at pag-promote ng events na may kinalaman sa LGBT community. Ito na din siguro ang pinaka-paraan ko upang maging aktibo sa laban lalo na pagdating sa usapin ng equality.

O basta, atin-atin na lang muna yan. Unti-unti ko naman na ding ipinapakilala ang sarili ko bilang babaeng nasa likod ng Tangina Tibs pero ayokong mag-ingay. Para siyang isang open secret.😉

Follow TANGINA TIBS on Twitter!🙂

3 thoughts on “Tangina Tibs

  1. Eeeeee hindi ako nakatiis napa-tweet agad ako ate. :)))
    May celebrity na akong kilala sa twitter! :))) Hindi ko lang maintindihan yung ibang terms pero.. starstruck ako sa ngayon. naks haha magshe-shades ako kapag nakipagkita ako sayo ate. =))

      • YON e! haha magttweet sana ako kaso mahaba yata para dun. Alam mo ate dahil mag-eeleksyon o eleksyon na sa States at kapag napapag-usapan dati nung panahon na tumakbo si Hilary Clinton sa pagka-presidente, hanga ako sa “equality” na kita sa Pinas. Kasi may pinapanood po sa amin dati na habang nagsspeech si Clinton (eto po yung unedited version na hindi pinalabas sa tv talaga), may mga sumisigaw na mga lalaki na “go home and iron my shirt!” o kaya nagne-name calling sila. Nakaka-proud lang na isipin na alam naman nating lahat na sa Tate e liberated at equal kung tutuusin mga tao kasi walang tangible na barricade b/w people of diff.status and background. Pero sa Pinas naka-2 babaeng presidente na tayo na hinalal (tama ba?) ng mga tao (kahit palyado yung isa).

        O diba haba nga. Hindi ko kasi maipaliwanang ng maayos haha

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s