Tenbits

Ilang taon na din mula nang mahilig akong manood ng mga series. Nagsimula ako sa One Tree Hill tapos hindi ko na mabilang kung ilan na yung mga nasubaybayan ko. Nakakatawa lang dahil lahat yun, pinanood kong mag-isa. Hindi kasi siguro ako yung tipo ng nakikipag-diskusyon pagkatapos ng isang episode. Ayoko lang talaga ng ganun. Madalas gusto ko, yung reaksyon ko, akin lang. Ang magiging patunay lang siguro na sobrang nagustuhan ko ang isang series o pelikula ay kapag nirekumenda ko sa’yo yun. Yun lang, wala nang usap-usap.

Tapos ito na naman tayo sa napaka-cheesy na parte ng blog entry na ito. Ganyan talaga pag inlab, mai-inject mo sa lahat ng usapan yung minamahal mo. Pero ginawa ko lang namang intro yun para kunwari pa-deep. Ang katunayan, gusto ko lang namang ibahagi sa inyo ang katiting na parte ng relasyon namin ni Ambrocio. Ay, teka, hindi pala siya katiting. Kasi sa pamamagitan ng panonood namin ng iba’t ibang series at mga pelikula kaya namin unti-unting nakilala nang lubusan ang isa’t isa. Isa pala yan sa pundasyon ng relasyong ito. Naisip ko nga, naging crush ako nun lalo nang malaman niyang nanonood ako ng Game of Thrones e. Charaught. Medyo ako lang naman nag-convince sa kanyang manood nun. Ehem. *creepwalks*

Naiisip niyo, paano nga ba kami nanonood? Well, ganito…

Image

Hindi na ko nanonood mag-isa masyado ngayon. May mga pinapanood pa din naman ako na ako lang, pero yung pareho naming gusto, sabay naming pinapanood. Naunahan ng Game of Thrones na kung saan ay inulit ko ang Season 2 para masabayan ko siya, sinundan ng Once Upon a Time, at ngayon nga, The Walking Dead. May pasundut-sundot na panonood ng 2 Broke Girls, Community at Friends ding nagaganap. Ayun nga, Friends. Hindi ako nanonood nun dati. Nasa ikatlong season na ko ngayon, siya ang nangumbinsi sa’king manood nun dahil nga paborito niya yun.

Masayang kasama si Ambrocio manood dahil hindi siya epal. Pareho naming ayaw ng mga epal. Ayaw namin ng mga nagmamarunong o mayabang. Lalo na yung kailangan bawat linya idi-discuss agad matapos bitawan ng aktor. Hindi man lang hintaying matapos yung episode. Pero siya, maaliwalas na kasama manood. Sabi sa inyo e, kakaiba ‘tong napick-up kong chicks.πŸ˜‰

Hindi ko na rin mabilang kung ilang pelikula na ang napanood namin. Basta ang dami na. Pero sa ibang entry na lang yun. Buti na lang kamo libre lang ang pagda-download. Namimirata lang kami. Pa’no na lang pala kung mga twice a week kami nanonood ng sine, ‘no? Parang ang gastos isipin!

Napag-usapan na namin na bukod sa isang bonggang bookshelf, dapat may corner din sa magiging bahay namin ang DVDs at dibidis. Pag marami na kaming oras, panonoorin namin lahat ng gusto namin hanggang sa lumabo na ang mga mata namin kasi malamang matanda na kami nun. Kaso baka pala bulag na ko nun kasi sobrang malabo na mata ko ngayon.Β E sa dami ba naman e!

Tapos hindi ko na alam kung paano ko tatapusin ‘to. Kaya “Tenbits” ang titile. Hahaha!

4 thoughts on “Tenbits

  1. HAHAHAHA para kunyari pa-deep talaga ate? :))

    Pero mas benta sa akin yung creepwalks =))).

    Seryosong seryoso naman kayo manood ‘te. Naka-pose pa talaga kayo pareho. hehe

  2. nakakatuwa naman kayo sis. si vince dati hindi sya makapaniwala na almost everyday may series/sitcom akong sinusubaybayan. tipong pakiramdam ko kasi may ‘something to look forward to’. nung naging mag-asawa kami, naadik na din sya. masyado nga lang yang matanong. ayoko nang maingay kapag nanonood ako eh. hahaha. naunahan ako ni brenda, sasabihin ko din, ang ganda nyo naman manood!πŸ˜€

    • Ang saya kapag pareho kayo ng hilig, ‘no?πŸ™‚ Pag tinatamad din kasi akong magbasa ng libro, diretso panonood ako ng sinusubaybayan ko. At yung tanging ingay lang na nagagawa namin e kapag nagugulat kami. Haha.

      At salamat, sis. Kaso yan na isa sa matitino kasi madalas seryoso kami manood, madalas mukhang tanga. Hahaha.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s