Ika-40 Sulat Para Sa Ating Ikatlong Buwan

Dear Ambrocio,

At dahil ito na nga 40th letter ko para sa’yo, naisip kong gawing extra ang pagiging ispesyal nito. Alam kong halos araw-araw kong sinasabi sa’yo ang mga dahilan kung bakit tayo swak at kung bakit kita mahal ngunit may ilang bagay pa kong hindi nasasabi. (Sa dinami-dami ng mga nasabi ko na, akalain mong mayroon pa palang natitira?) Hindi ko na maalala kung kinalimutan ko nga lang bang sabihin noon dahil tinitira ko siya sa ganitong pagkakataon o naisulat ko kasi siya sa kung saan kaya akala ko ay nasabi ko na.

Alam mo ba kung bakit mahal kita at mas minamahal kita habang nagdadaan ang bawat araw? Dahil dyan sa puso mo. Ang puso mong matapang at busilak. Hangang-hanga ako sa nilalaman nyan kaya nga walang mapaglugaran ang saya ko nang hinayaan mo akong pumasok dyan. Isa pa, alam kong tinutupad mo ang mga salitang binibitawan mo. Alam kong pag sinabi mo, gagawin mo. Hindi ka nangangako lang para lang masabing may mga salitang naiiwanan. Hindi ako yung tipong basta-basta lang nagtitiwala dahil, madalas, alam ko kung ano ang motibo ng isang tao sa paglapit sa’kin. Ngunit pagdating sa’yo, ni hindi man lang ako nagdalawang-isip na ibigay ang buong pagtitiwala ko. Una pa lang kasi, alam kong may laman ka, alam kong may patutunguhan ako kung sakaling ialay ko ang kung anumang meron ako sa’yo. At kahit nung umpisa’y ginuhitan mo na ng pulang linya ang namamagitan sa atin, sa weirdong mga dahilan, alam kong balang-araw, mabubura din yun o di kaya nama’y isa sa’tin ang hahakbang upang mapunta na tayo sa parehong kiling. Yun na nga ang nangyari. Nasa isang side na lang tayo. At ilang linggo pa’y tuluyan ka nang mapupunta sa bahagi kong ito ng mundo.

Isa pa, ang mga pinaniniwalaan mo, halos yun din ang akin. Madalas magtugma ang mga bagay na ayaw at gusto natin. Hindi ako madaling umayon sa sinasabi ng iba ngunit madalas ay natatagpuan ko na lang ang sarili kong tumatango sa mga sinasabi mo. Hindi biro na mapaayon mo ako sa mga opinyon at paniniwala mo dahil nga madalas ay naka-sentro lang ako sa mga ideya ko pagdating sa ibang bagay. Sa bawat diskusyunan natin bago matulog, lalo kong naiisip na ikaw na nga talaga ang kailangan, hindi lang ng puso, kundi pati na din ng utak ko. Hindi ko alam kung nawawari mo ngunit gusto ko ang nilalaman nyan. Lahat ng mga bagay na natutunan at naglalaro sa isipan mo, ninanais kong lahat yan. Sa tingin ko nga, mas una kong minahal ang utak at puso mo bago ang pisikal na aspeto ng kabuuan mo. Parang zombie lang, ano? Lamang-loob na agad ang usapan.

Maganda ka sa lahat ng aspeto. Nilukuban ka ng lubos na kagandahan kaya mayroon ka nito mula sa labas hanggang sa loob. Hindi nga yata ako mauubusan ng mga papuri at magagandang pang-uri para sa’yo. Oo, hindi tayo perpekto ngunit ang lahat halos ng mga magagandang bagay na taglay natin ay nagagawang huwag maging alintana ang mga pangit na katangian. Natatanggap natin ang lahat. Kasama na dyan ang pag-utot nang malakas o ang pag-nganga sa pagtulog. Lahat, mahal ko. Lahat.

Ito ang ika-apatnapung sulat ko para sa’yo na itinaon kong ibahagi sa ikatlong buwan natin bilang isa. Tatlong buwan, napakabilis. Parang dumaan lang. Parang tumakbo ang mga araw sa bilis na 180kph. Ilang linggo na lang at andito ka na sa piling ko. Magbubuhay mag-misis tayo at kukuha tayo ng napakaraming larawan. Mag-iipon tayo ng sandamukal na alaala at magkakalat tayo ng saya at good vibes sa bawat kalyeng lalakaran at kantong lilikuan natin. Atat na atat na ko sa pagdating mo. Laging naglalaro sa utak ko ang posibleng magiging eksena sa airport kapag sinundo na kita, ang byahe natin pauwi sa magiging bahay natin, ang unang almusal natin nang magkasama at ang unang pagtulog natin nang magkatabi.

At syempre, ang unang tunay at wala nang makakapigil na pag-iisa ng mga buhok, katawan, kaluluwa, amoy, halinghing, isipan at puso natin.

Mahal na mahal kita.

Bogart

Advertisements

xxxix

Dear Ambrocio,

Kasalukuyang nasusubukan ang tatag at pasensya natin sa isang malaking pagsubok na tinatawag na The Curse. Hindi ko inaasahang ito pala ang isa sa mga magiging malaking problema natin. Ngunit masaya kong hinaharap natin ito nang sabay. Mabuti na lamang at nagtutulungan pa din tayo at hindi tayo nawawalan nang pag-asa gaano man siya ka-stressful. Hindi ko na nga malaman kung papaano natin malalagpasan ang lahat ng hamon. Pucha, isang daang puzzles ba naman lahat ‘to.

Sabi mo, kapag na-solve ang misteryo ng Jars #1 ba yun e pakakasalan mo na ko. Jars #1 nga ba yun? Paki-korek na lang ako kung mali ha. Anyway, ngayon naman, ito na yung sure na sure na pakakasalan mo talaga ko kapag na-solve ko. Yung Sliding Picture na puzzle. Tangina, alam mo bang muntik ko na siyang mabuo? Naunahan lang ako ng kaba dahil may timer. Badtrip. Kahit meron pa kong isang minuto at tatlumpung segundo, grabe na yung kabog nang dibdib ko kaya naudlot. Nakakainis na siya kaya tumigil na ko. Seryoso.

Dapat pala kasi hindi ko sinabi sa’yong yung Untangle ang favorite game ko para yun na lang ang binigay mong challege sa’kin. E di sana ngayon naghahanap na ko ng simbahan para sa kasal natin. Ito yung puzzle na tipong kahit yung hardest level e maso-solve ko dahil sobrang matiyaga talaga ko. At kagaya nga ng sabi ko kagabi, kahit sobrang buhul-buhok na yung nasa harapan ko, kaya ko pa ring panatilihing focused ang utak ko. Nakikita ko kung paano maaalis ang gusot. Naks, pa-deep.

Sana naman huwag abutin na nakauwi ka na dito bago pa natin matapos lahat ng puzzles, ‘no? Pero mukhang magandang idea yung magtutulungan tayo sa pagso-solve. Mayroon kasing puzzles na mahina ako at dun ka malakas at vice versa. Tamo, kahit sa ganitong klaseng laro, swak tayo. Magandang team ang nabubuo talaga natin e.

Syempre lahat na lang nako-konekta ko sa relasyon natin, ‘no?

Bogs

Ey letter to my gelpren who libs in America

Dear Ambrocio,

Owkey, so you lep me twice today but Skype’s still on. It’s been going on por twelb awers and 29 minutes olreydi. I swurr, ip Skype wasn’t pree, we’ll be foor as pak right now. I know how much you like hearing me tok layk diz so I tried writing to you in my best Pilipino accent. Ozzam, huh? Writing in my best Pilipino accent… pani, berry pani. I’m berry berry awesome, ‘no? You really tink that you’re lucky to heb me bekas I’m a crazy girl, ‘no?

Anywaaaay, I miss you. I tink I hurd you calling me bipor you lib agen por di sekand taym. I didnat wake up por you bekas I tot I was jas dreaming. I’m sorry, love. Until now, I kenat seem to distinguish pantasy pram reality bekas you are like a dream come true! Makes sense, right? So come home now, I miss you olreydi.

I told myselp that I’m not gana write to you in english but I tink writing to you layk dis is berry berry fun. I mean, fan. And bekas you’re in America, I tot I should talk to you in tagalog more opten. It’ll be like a change of scenery! A bret of presh air! This is such a berry berry cool idea! Why haven’t I tot about dis bepor? Maybe next time I should bidyo myselp talking like dis, ‘no? You’re gana labet por sure! And your pans will also labet! You’re gana play it ober and ober again till your ears hurt! I know you love me so much and datchu paynd me adorable when I do stuff like dis. I zamtayms tink datchor crazy, you know? Bekas you paynd me cute. I don’t see myselp as cute, hot, yes, but cute? Owmaygad, I don’t tink so! But, okay, okay, I’ll allow you to say that I’m cute but please not ebriday, okay? Not all op da paking time! It’s paking annoying! Chareeeng.

I tink dis letter is very scattered olreydi. (Scattered = kalat-kalat LOL) And I’m hearing your boice now from the computer. I tink you’re singing. Yes, you’re home now. I’m gonna sfend some time talking to you ageyn bekas I really missed your boice, demmit. I told you bipor dat I miss you always, right? I miss you even when you’re sleefing or zamting laykdat? Yes, I could be needy zamtayms.

I love you.

Bogart

Mas Si Ano Kay Ganito

Sobrang ayoko lang talaga pag pinipilit akong ikumpara sa iba. Kung ako nga, hindi ko hinahayaan ang sarili kong pagdaanan ang hirap ng pagkukumpara ng sarili ko sa iba, bakit niyo kailangan gawin yun sa’kin? Oo na, parte talaga ng buhay yan. Yun bang tipong pag ikaw ang bagong girlfriend, ikukumpara ka sa ex-girlfriend. Pag ikaw naman ang ex-girlfriend, ikukumpara ka sa bagong girlfriend. Hindi na ba talaga matatapos? Hindi ba pwedeng pag natapos ka na sa dating relasyon, tigil na ang mga opinyon? At pagdating naman dun sa bago, tigilan na din ang mga kumento?

Sa totoo lang, nakakaubos din naman ng tiwala paminsan-minsan. Kasi, syempre, hindi mo nga naman talaga mapipigilan ang mga matatabil na dila ng mga tao. Kaso lang, ang nakakapikon, imbes na wala na lang isyu, nagkakaroon pa tuloy dahil sa mga samu’t-saring reaksyon at walang kamatayang pagtutulad.

Tigilan na lang siguro ang pagkukumpara para wala na lang usapan. Iba ako, iba sila, magkakaiba tayong lahat. Walang mas okay, walang lamang o agrabyado, iba-iba lang talaga.

Maliwanag?

Pelengs

Dalawa lang naman ang pinaka-rule ko pagdating sa pakikipagrelasyon. Yun ay ang gawin ang lahat ng kaya ko, at kapag sinabi kong ayoko na, ayoko na talaga. Sa dami ng relasyong pinanggalingan ko, masasabi kong kahit napakarami na ng nagbago sa’kin sa lahat ng aspeto, yan lang yata ang natitirang solid.

Pag sinabi kong ginagawa ko ang lahat ng kaya ko, yung kaya ko talaga. Pero nagtitira pa din ako para sa sarili ko. Ang tinatatak ko sa utak ko ay kaya ko namang mabuhay nang wala ang ka-relasyon ko dahil nag-exist naman ako noon na wala yan. Oo, masarap umibig, paborito ko nga ang umibig e, pero hindi lahat ng tao ay naiintindihan ang tunay na konsepto nito. May iba na nananatiling self-centered pa din kahit nasa isang relasyon na, may iba naman na akala mo magugunaw na ang mundo kapag nawala ito, at marami pang iba. Nagagawa kong magsalita ng ganito dahil kaya kong ipagmalaking may natutunan ako sa lahat ng mga naging relasyon ko. Maliit man o malaki, ina-apply ko yan sa sarili ko hanggang ngayon. Ginagawa ko ang kaya ko ngunit hindi ko talaga ibinibigay ang lahat. Hindi dahil sa hindi ko kaya, siguro kasi ayoko lang talaga.

Speaking of ayoko, ayun na nga, kapag sinabi kong ayoko na, that’s it, pancit! Wala nang balikan. At yan pala ang third rule. Hindi ako bumabalik sa ex-girlfriend. Ex na sila kasi may dahilan. Sa tuwing sinasabi ko yan noon, napagbibintangan akong nananakot. Hindi pananakot ang tawag dyan kundi pagsasabi ng totoo. May mga tao kasi na nananatiling kampante dahil sa tinagal-tagal ng pagsasama niyo, alam niyang kahit ano pang mangyari, hinding-hindi kayo maghihiwalay. Maling-mali, ‘di ba? Hindi talaga sukatan ang tagal at mga pinagdaanan lalo na kung mukhang wala naman na talaga kayong patutunguhan. May mga pangarap din ako, hindi ako papayag na ma-delay o mapigil yun dahil lang hindi makausad ang karelasyon ko. Sabi ko noon, ayokong makaramdam ng pagsisisi. Pero tao lang din naman ako. Normal lang naman talaga yun.

Sa bawat relasyon na nagkaroon ako, para bang automatic na nakakalimutan ng utak ko ang ilang detalye pagkatapos ng hiwalayan. Na tipong yung ibang kaibigan ko ay naaalala pa ang ilang pangyayari ngunit ako hindi na. Kaya pag sinabi kong wala na, wala na talaga. Pati mga alaala. Hindi rin naman ako papasok sa panibagong relasyon kung bitbit ko pa ang mga iyon. Hindi ako yung ganung klase.

Nakakatawa lang na nakakalimutan ko ang mga salitang binitawan ko, ang mga bagay na nagawa ko, ang itsura ko, at kung anu-ano pa ngunit hindi ang pakiramdam. Minsan pa nga kahit yung pakiramdam na natri-trigger ng amoy, alam ko. Alam ko din kung kelan ako tunay na masaya o malungkot. Alam ko yung pakiramdam kung nasaktan ako o ano, pero hindi ko na matatandaan kung bakit o kung para kanino. Kaya kapag sinabi kong first time kong maramdaman ang isang bagay, tunay yun. Kung naniniwala ako sa kakayahan ng mga salita, mas naniniwala ako sa kapangyarihan ng pakiramdam.

Maaaring may mga bagay na nasabi ko noon na nasasabi ko ngayon. Pero hindi ibig sabihin ay pareho ang pakiramdam, hindi rin ibig sabihin ay pareho lang din ang gagawin ko. At yun ang fourth rule, ang huwag ulitin ang diskarte ko sa bawat relasyon. Ayokong may magmamarunong na magsasabi kung pa’no ako sa relasyon dahil iisa lang ang ginawa ko sa lahat. Ayokong maging ganun ka-predictable. Ayoko ring maramdaman ng karelasyon ko na walang kahit anung ispesyal sa kung anung mayroon kami dahil nga nagawa ko na yun sa iba. Ayoko ding madalas ipagsabi ang mga nagiging problema ko sa isang tao hangga’t alam kong hindi pa ako tapos. Ayokong maging bigay-bawi.

Sa hinaba-haba ng entry na ‘to, siguro ang gusto ko lang talagang sabihin ay, apat pala ang pinaka-rule ko pagdating sa ganyan at masaya ako ngayon. Sobrang saya ko. Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong kasiyahan. Ngayon lang ako napasok sa tunay na maayos na relasyon. Ngayon ko lang din naramdaman na sobrang swerte ko. Ayun lang naman.

Sulat Para Kay Ambrocio II

Dear Ambrocio,

Alam mo kung saang parte ako pinaka-naaatat sa pagsasama natin? Ang dami ko kasing naiisip iluto para sa’yo. Marunong akong magluto pero hindi sobrang galing pero alam mo naman, ‘di ba, na paborito kong libangan yun? Kung magkakaroon lang ako ng pagkakataon, magluluto talaga ako nang mas madalas.

Ang daming putahe at imbensyong naglalaro sa utak ko. Gusto kong magluto para sa’yo. Gusto kong ikaw ang unang makakatikim para ikaw din ang unang huhusga. Yung kahit hindi ka na magsalita, iba-base na lang natin sa kaning makakain mo at mga ngiti sa labi mo tanda ng pagkabusog mo.

Hindi naman kita patatabain kasi nga ayaw nating tumaba, ‘di ba? Pero gusto kitang busugin sa lahat ng paraang alam ko. Ipagluluto kita, kakain ka, mabubusog ka tapos kakainin natin ang isa’t isa. Ay…

Burp.

Bogart

Weh?

Hello. Kung nababasa mo man ito, nais ko lamang iparating sa’yo na tigilan mo na ang kaka-paandar sa’kin. Ano ba kasing makukuha mo kung ipagpapatuloy mo ang bwakananginang gawaing yan? Sumasaya ka naman ba? Kasi kung oo, sige na, ibabalato ko na sa’yo yan. Ngunit kung hindi, tigilan mo na ang pagpapahirap sa sarili mo. Nag-uubos ka lang ng oras at brain cells na kakarampot na nga lang ng dahil sa ginagawa mo. Huwag mo akong pag-aksayahan ng panahon. Maniwala ka, hindi ako ang dapat na bigyan mo ng konting oras na yan. Mas marami ka pang haharaping problema at hindi ako ang isa sa mga yan. Mas masaya siguro kung aayusin mo na lamang ang sarili mo upang maging tunay na Yakult ka. Kasi buti pa ang Yakult, cultured, ikaw hindi. Oo, hinuhusgahan kita.

Nais ko lang ding iparating sa’yo sa pamamagitan nito na kung anuman yang pinapaandar mo sa’kin, kaya ko ding gawin yan. At bago pa ko maging ganito, lahat ng kahinaan at lakas ko, alam ko na. Kaya wala ka na din talagang magagawa kahit ano pang pangit na adjective ang maisip mo para lang laitin ako’t mas gumaan ang pakiramdam mo sa sarili mo. Isang lait mo sa’kin, bente ang ibabalik ko sa’yo. Kaya utang na loob, tigilan mo na ang pag-aaksaya ng oras sa akin. Hindi ako nai-impress. Natatawa ako. Natatawa ako dahil ang trying hard mo. Natatawa ako dahil mukha kang tanga.

Kung sa tingin mo, bawat makikita mo sa’kin ay kaya mong pantayan, ito ang ilagay mo sa utak mo, WALA AKONG PAKIALAM. Kahit naman noon pa hindi ako mahilig sa kumpetisyon kaya sinong nagbigay ng ideya sa’yo na gusto kong magsimula ngayon? Hindi lang naman ako ang nakakapuna nyan kundi pati na rin ang mga kaibigan ko. O anung excuse mo?

Hindi ako mapagpatol sa mga ganitong pagkakataon ngunit mukhang kailangan kong ipaabot sa’yo ang simpleng pakiusap kong ito dahil, seryoso, sayang ang oras mo. Huwag mo kong paandaran, ti. Nakakaumay ka. Peksman.

P.S. Sa tingin ko talaga ay mga 60% na jejemon ka.

Social Experiment No. 2

Image

Pinost ko ang larawang ito kagabi sa Facebook dahil papansin ako. Hindi nga kasi halatang nakatali lang siya sa likod. Buryong na buryong ako nung mga oras na yan dahil aalis ako dapat. Kaya ako may make-up. Tapos ang ending, hindi na lang ako umalis ang nag-camwhore na lang ako kasi na-amaze din ako sa buhok ko.

Ayun nga, pinost ko siya sa Facebook. Sa kasalukuyan ay may 45 likes na siyang natatanggap. In fairness naman, maraming nagsabing bagay sa’kin. First year college pa yata ako nung huling naging ganyan kaikli ang buhok ko. Hindi ko pa yata kayang magpagupit ng ganyan kaikli. Wag muna.

Kung alam niyo lang yung kaba ko sa tuwing nagpapa-trim o kaya pag binabawasan nila yung buhok ko pag nagpapa-digiperm ako. Yung pinakahuli nga, di ba, sumobrang ikli. Mula sa hanggang bewang, napunta sa hanggang ilalim ng dibdib. Grabe yung pakiramdam ko, gusto kong patayin yung koreano at yung mga sidekick niya.

Buti na lang nga ngayon e bumibitaw na yung curls so wavy na lang talaga siya. Humahaba na din yung hair ko kaya feeling babae na ako ulit. Next time ipapakita ko sa inyo ang munting ebolusyon ng buhok ko para maintindihan niyo yung pelengs ko. Hahaha.

Kaya nga pala Social Experiment No. 2 kasi may nauna na dati sa Friendster pa. Nag-post din ako ng photo na mukhang maikli yung buhok ko kasi nga nagfi-fish ako. Ginawa ko ang blog entry na ito para bawiin sa kung sinumang naniniwala na nagpagupit nga ako ng buhok. Nagi-guilty ako promise. :p