Social Experiment No. 2

Image

Pinost ko ang larawang ito kagabi sa Facebook dahil papansin ako. Hindi nga kasi halatang nakatali lang siya sa likod. Buryong na buryong ako nung mga oras na yan dahil aalis ako dapat. Kaya ako may make-up. Tapos ang ending, hindi na lang ako umalis ang nag-camwhore na lang ako kasi na-amaze din ako sa buhok ko.

Ayun nga, pinost ko siya sa Facebook. Sa kasalukuyan ay may 45 likes na siyang natatanggap. In fairness naman, maraming nagsabing bagay sa’kin. First year college pa yata ako nung huling naging ganyan kaikli ang buhok ko. Hindi ko pa yata kayang magpagupit ng ganyan kaikli. Wag muna.

Kung alam niyo lang yung kaba ko sa tuwing nagpapa-trim o kaya pag binabawasan nila yung buhok ko pag nagpapa-digiperm ako. Yung pinakahuli nga, di ba, sumobrang ikli. Mula sa hanggang bewang, napunta sa hanggang ilalim ng dibdib. Grabe yung pakiramdam ko, gusto kong patayin yung koreano at yung mga sidekick niya.

Buti na lang nga ngayon e bumibitaw na yung curls so wavy na lang talaga siya. Humahaba na din yung hair ko kaya feeling babae na ako ulit. Next time ipapakita ko sa inyo ang munting ebolusyon ng buhok ko para maintindihan niyo yung pelengs ko. Hahaha.

Kaya nga pala Social Experiment No. 2 kasi may nauna na dati sa Friendster pa. Nag-post din ako ng photo na mukhang maikli yung buhok ko kasi nga nagfi-fish ako. Ginawa ko ang blog entry na ito para bawiin sa kung sinumang naniniwala na nagpagupit nga ako ng buhok. Nagi-guilty ako promise. :p

8 thoughts on “Social Experiment No. 2

      • Sa kanya ko unang sinend yung photos. Sabi niya lang, “Bakit ka nagpagupit?” Medyo nagkapikunan kasi kami nun kaya naisip kong daanin sa ganun para maalis yung init ng ulo namin pareho. Hahaha. So yun, sabi ko, “Bakit? Ayaw mo ba?” Sagot niya, “Okay lang pero mas sanay ako sa dati.”

        Sabi niya naman, crush niya daw ako sa photos na yan pero mas gusto niya na mahaba ang hair ko. Mas crush niya ko. HAHA!

    • Ayun na nga! Kaya kailangan ng matinding pag-iisip kung magpapagupit ako. Kasi nga one inch lang ibawas sa buhok ko, yung kabog ng dibdib ko, grabe na e. Hehe.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s