Sulat Para Kay Ambrocio II

Dear Ambrocio,

Alam mo kung saang parte ako pinaka-naaatat sa pagsasama natin? Ang dami ko kasing naiisip iluto para sa’yo. Marunong akong magluto pero hindi sobrang galing pero alam mo naman, ‘di ba, na paborito kong libangan yun? Kung magkakaroon lang ako ng pagkakataon, magluluto talaga ako nang mas madalas.

Ang daming putahe at imbensyong naglalaro sa utak ko. Gusto kong magluto para sa’yo. Gusto kong ikaw ang unang makakatikim para ikaw din ang unang huhusga. Yung kahit hindi ka na magsalita, iba-base na lang natin sa kaning makakain mo at mga ngiti sa labi mo tanda ng pagkabusog mo.

Hindi naman kita patatabain kasi nga ayaw nating tumaba, ‘di ba? Pero gusto kitang busugin sa lahat ng paraang alam ko. Ipagluluto kita, kakain ka, mabubusog ka tapos kakainin natin ang isa’t isa. Ay…

Burp.

Bogart

4 thoughts on “Sulat Para Kay Ambrocio II

  1. Cooking, for me, is the sweetest gesture. Ang tamis nyo talagang dalawa! Sarap nyo tirisin. Hahaha! Teka, di ba pwedeng i-fedex ang ulam? Lol

    • Haha! Hindi sila tumatanggap ng food na pwedeng mapanis. (Talagang sinagot ko, ‘di ba? :p)

      Favorite kong magpaandar sa girlfriend sa pamamagitan ng pagluluto. Feeling master chef ako. Hahaha. Humanda ka pag dumating na talaga yun dito, mauumay ka sa posts ko tungkol sa’min. Feel free to unfollow. :))

  2. natawa ako sa last part!😀 seriously, effort naman talaga ang pagluluto. kung meron mang tao ang hindi maiinlab sa taong pagluluto ang mahal nila eh tanga. excited na ako para sa’yo sis. kelan ba itong grand eb na ‘to? hahahaha

    • January!🙂 Grabe, super excited na kami pareho pero sabi ko walang countdown kasi baka mainip lang kami. E inip na inip na nga ako! Hahaha.

      Nakakatawa kasi pinapanood namin ang isa’t isa magluto sa Skype. Minsan tinuturuan ko din siya ng mga bago niyang ita-try. Haha. PBB Teens.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s