Pelengs

Dalawa lang naman ang pinaka-rule ko pagdating sa pakikipagrelasyon. Yun ay ang gawin ang lahat ng kaya ko, at kapag sinabi kong ayoko na, ayoko na talaga. Sa dami ng relasyong pinanggalingan ko, masasabi kong kahit napakarami na ng nagbago sa’kin sa lahat ng aspeto, yan lang yata ang natitirang solid.

Pag sinabi kong ginagawa ko ang lahat ng kaya ko, yung kaya ko talaga. Pero nagtitira pa din ako para sa sarili ko. Ang tinatatak ko sa utak ko ay kaya ko namang mabuhay nang wala ang ka-relasyon ko dahil nag-exist naman ako noon na wala yan. Oo, masarap umibig, paborito ko nga ang umibig e, pero hindi lahat ng tao ay naiintindihan ang tunay na konsepto nito. May iba na nananatiling self-centered pa din kahit nasa isang relasyon na, may iba naman na akala mo magugunaw na ang mundo kapag nawala ito, at marami pang iba. Nagagawa kong magsalita ng ganito dahil kaya kong ipagmalaking may natutunan ako sa lahat ng mga naging relasyon ko. Maliit man o malaki, ina-apply ko yan sa sarili ko hanggang ngayon. Ginagawa ko ang kaya ko ngunit hindi ko talaga ibinibigay ang lahat. Hindi dahil sa hindi ko kaya, siguro kasi ayoko lang talaga.

Speaking of ayoko, ayun na nga, kapag sinabi kong ayoko na, that’s it, pancit! Wala nang balikan. At yan pala ang third rule. Hindi ako bumabalik sa ex-girlfriend. Ex na sila kasi may dahilan. Sa tuwing sinasabi ko yan noon, napagbibintangan akong nananakot. Hindi pananakot ang tawag dyan kundi pagsasabi ng totoo. May mga tao kasi na nananatiling kampante dahil sa tinagal-tagal ng pagsasama niyo, alam niyang kahit ano pang mangyari, hinding-hindi kayo maghihiwalay. Maling-mali, ‘di ba? Hindi talaga sukatan ang tagal at mga pinagdaanan lalo na kung mukhang wala naman na talaga kayong patutunguhan. May mga pangarap din ako, hindi ako papayag na ma-delay o mapigil yun dahil lang hindi makausad ang karelasyon ko. Sabi ko noon, ayokong makaramdam ng pagsisisi. Pero tao lang din naman ako. Normal lang naman talaga yun.

Sa bawat relasyon na nagkaroon ako, para bang automatic na nakakalimutan ng utak ko ang ilang detalye pagkatapos ng hiwalayan. Na tipong yung ibang kaibigan ko ay naaalala pa ang ilang pangyayari ngunit ako hindi na. Kaya pag sinabi kong wala na, wala na talaga. Pati mga alaala. Hindi rin naman ako papasok sa panibagong relasyon kung bitbit ko pa ang mga iyon. Hindi ako yung ganung klase.

Nakakatawa lang na nakakalimutan ko ang mga salitang binitawan ko, ang mga bagay na nagawa ko, ang itsura ko, at kung anu-ano pa ngunit hindi ang pakiramdam. Minsan pa nga kahit yung pakiramdam na natri-trigger ng amoy, alam ko. Alam ko din kung kelan ako tunay na masaya o malungkot. Alam ko yung pakiramdam kung nasaktan ako o ano, pero hindi ko na matatandaan kung bakit o kung para kanino. Kaya kapag sinabi kong first time kong maramdaman ang isang bagay, tunay yun. Kung naniniwala ako sa kakayahan ng mga salita, mas naniniwala ako sa kapangyarihan ng pakiramdam.

Maaaring may mga bagay na nasabi ko noon na nasasabi ko ngayon. Pero hindi ibig sabihin ay pareho ang pakiramdam, hindi rin ibig sabihin ay pareho lang din ang gagawin ko. At yun ang fourth rule, ang huwag ulitin ang diskarte ko sa bawat relasyon. Ayokong may magmamarunong na magsasabi kung pa’no ako sa relasyon dahil iisa lang ang ginawa ko sa lahat. Ayokong maging ganun ka-predictable. Ayoko ring maramdaman ng karelasyon ko na walang kahit anung ispesyal sa kung anung mayroon kami dahil nga nagawa ko na yun sa iba. Ayoko ding madalas ipagsabi ang mga nagiging problema ko sa isang tao hangga’t alam kong hindi pa ako tapos. Ayokong maging bigay-bawi.

Sa hinaba-haba ng entry na ‘to, siguro ang gusto ko lang talagang sabihin ay, apat pala ang pinaka-rule ko pagdating sa ganyan at masaya ako ngayon. Sobrang saya ko. Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong kasiyahan. Ngayon lang ako napasok sa tunay na maayos na relasyon. Ngayon ko lang din naramdaman na sobrang swerte ko. Ayun lang naman.

5 thoughts on “Pelengs

  1. Maaaring may mga bagay na nasabi ko noon na nasasabi ko ngayon. Pero hindi ibig sabihin ay pareho ang pakiramdam. <<<< naniniwala din ako dito! siguro part na din ng maturity yung hindi pagkawala ng sarili kapag nasa relasyon. tama ka na nabuhay k naman noon ng wala sya. kung naramdaman ko man dati na pakiramdam kong hindi ko kaya, itinulog ko lang (and ikinain ko) paggising ko (at pagtapos ko mabusog), okay na.

    at parehas tayo, no to recycling.😀

    • ‘Di ba, sis, hindi naman porke hindi mo ibibigay ang kabuuan mo e ibig sabihin nag-aalangan ka? Tama ka, parte na nga talaga yun ng maturity. Naks, nagma-mature pala ko. Hahaha.

      At hindi rin ako nakikipagkaibigan sa ex. Haha. Para sa’kin kasi, pag sinuka mo na, yun na yun. Sinuka talaga ying word. :p

  2. HAHAHAHAHA natawa ako sa mala-slogan ni Ate Elaine na “no to recycling”. Ang haba-haba ng entry mo ate at may kaba akong naramdaman. Pagdating sa dulo kumama naman ako sabay natawa. haha
    Daming alam! =p

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s