xxxxii

Dear Ambrocio,

Napapadalas ka na sa panaginip ko. Mas madalas ngayon kumpara noon. Katunayan, hindi pa nagsi-sink in sa’kin na malapit na tayong magkasama. O marahil yun ang akala ko. Baka sa likod ng utak ko, hindi na talaga maitago ang pagkaatat ko kaya sa panaginip lumalabas ang lahat ng excitement na nararamdaman ko.

Kung noon, pa-sweet lang na imahe mo ang lumalabas sa panaginip ko, ngayon iba na, may pakiramdam nang kasama. Noon kasi ni hindi ko nakikita ang mukha mo o ang hugis at anino mo ngunit alam kong ikaw yun. Ngayon sobrang ibang-iba, mas nakakatuwa. Pati ang pakiramdam ng pagyakap ko sa’yo, kasama na din. Unti-unti na kitang nararamdaman, mahal ko. Konti pa, ilang linggo pa.

Hindi ako naiinip, hindi ako maiinip. Walang-wala ang ilang linggong natitira sa halos buong buhay kong paghihintay sa pagdating mo. Kaya ano ba naman ang katiting na lang na panahon? Yakang-yaka yan!

Mahal ko, maaari mo bang dalasan ang pagbisita at pagyakap sa’kin sa panaginip ko? Hindi lang yung pagtulog ko sa gabi ha, pati na din sana sa mga siesta ko.

Bogart

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s