Usok, atbp.

Video

Here’s a video I made six months ago. Konting pagsilip sa aming buhay-Skype. 🙂

Puro nagyoyosi siya kasi nanghihina ang tuhod ko pag nakikita ko siyang humihithit ng sigarilyo. Okay, ang hot lang ng girlfriend ko pag nagyoyosi. Sorry na. Hahaha.

Anyway, nung pinanood ko ulit yung video na ‘to, biglang may kirot ng konti kasi sobrang nami-miss ko na ‘tong byutipul person na ‘to. Ayun lang naman.

Aside

Naalala mo habang kumakain tayo? Hindi ko na nga lang maalala kung saan, kung ano ang pagkain, kung tanghalian ba o hapunan… Teka, hapunan yata yun. Basta ang alam ko kumakain tayo. Hindi ko na din matandaan kung paano napunta sa ganun ang usapan basta biglang sinabi mo sa’king, “You’re the best girlfriend ever.” 

Kung mestisa lang ako, baka nag-blush na ko na parang kamatis.

 

Fuck Distance

Video

Unang bidyo na nagawa namin ni Ambrocio. Siya halos lahat ang kumuha at ako ang nag-edit. Base sa bidyong ito, mas naiisip naming we really make a good team, hindi lang sa relasyon kundi pati sa iba pang bagay.

Ginamit ko ang Wonderland ni Alessandra De Rossi bilang fan ako ng musika niya. I could’ve chosen another song by a more popular foreign artist pero mas gusto ko talaga ‘to. 🙂

Hayaan niyong ibahagi namin sa inyo ang ilang elemento ng kasiyahang dulot ng pagsasama namin. May ibang posibleng malabuan kayo ngunit ang mga bagay na yan ay nagsisilbing trigger sa isipan naming dalawa para sa mas marami at makabuluhang pag-alala. Sana kahit papano’y madama niyo din ang mga pakiramdam na bumalot at patuloy na bumabalot sa puso namin, lalo na ang happiness. Enjoy! 🙂

Ilang kalat sa utak ko.

Ang ilang kaganapan nitong mga nakaraang linggo ang tuluyang nagpapatunay sa’kin na maswerte talaga ko sa relasyong mayroon ako ngayon. Lagi kong inuuna ang pagkabig na hindi perpekto ang relasyon namin ni Ambrocio bilang wala namang perpekto sa mundo ngunit alam naming pareho na ito ang kailangan namin–na ito ang nararapat talaga sa’min.

Minsan ay hindi ko maiwasang maging malungkot para sa mga kaibigan kong hindi pa rin nakakahanap ng tunay na pag-ibig at maayos na relasyon hanggang ngayon. Hindi ako naaawa sa kanila, nalulungkot ako. Tingin ko ay magkaibang bagay yun. Bakit kamo? Dahil naniniwala akong ang mga tao sa paligid ko ay mabubuting tao na may napakagagandang puso. Kung mayroon man silang dine-deserve sa mundong ito, yun ay makahanap sila ng mamahalin at magmamahal sa kanila sa kabila ng lahat ng kapintasan, pagkukulang at problema.

Wala naman akong ibang hinahangad para sa kanila, yun lang naman talaga. Gusto kong makahanap sila ng katulad ni Ambrocio o ng relasyong kasing-ayos ng sa amin. Hindi naman ako nagi-guilty na masaya ako’t sila naman ay hindi. Alam kong kahit konti, yung positivity na galing sa’ming dalawa ay nahahawa naman ang iba. Masaya din naman ako dahil alam kong kahit may kani-kanila silang dinidibdib pagdating sa usapang puso, tunay na masaya sila para sa’min.

Para sa mga kaibigan kong makakabasa nito na patuloy pa rin ang paghahanap sa tamang tao para sa kanila, cliche na kung cliche pero alam kong darating din kayo sa tamang destinasyon. Hindi naman din ako ganito kasaya nung isang taon. Ang daming klase ng break-ups ang pinagdaanan ko. Ang daming pinto ang sinara, binuksan at sinara kong muli. Hindi naging madali. Paulit-ulit ko ngang sinasabi na napaglaruan ng nakaraang taon ang damdamin ko, ‘di ba? Para ngang inubos ko lang ang unang kalahati ng 2012 sa paghahanap at pag-aayos sa sarili ko na muntik nang hindi magtagumpay dahil halos sirain ko na ito. Ni wala sa plano kong maghanap ng bagong iibigin at papapasukin sa puso’t buhay ko. Wala rin sa plano ko ang makasakit ng ibang tao. Pero yun na nga, dumating si Ambrocio. Wala pa ring nagbabago simula nung una kaming nagkausap hanggang ngayon. Consistent. Kahit nang magsimula na kaming magkaroon ng pagkagusto sa isa’t isa, wala pa ring nagbago. Hanggang sa aminin na namin sa mga sarili namin at sa isa’t isa na kami nga talaga ang dapat, na masaya kami, walang nagbago. Inihanda lang talaga namin ang mga sarili namin kung sakaling dumating ang araw na magde-desisyon kaming gawin nang opisyal ang lahat.

Sa tingin ko, tayo lang din naman ang gumagawa ng ikaka-kumplika ng mga relasyon natin. Hindi naman pag sinabi ng taong kumplikado siya, ganun na nga talaga. Mas mahirap sa mga kagaya namin dahil pareho kaming babae, parehong emosyonal. Nagiging uso na ngayon ang maglalandi’t sasabihing hindi sila handa sa relasyon. Sa paglalandi ready, sa relasyon hindi? Minsan ginagawa na lang nilang excuse na fucked up sila para makalusot sa mga bagay na hindi naman nila dapat na ginagawa o hindi kayang gawin. Minsan hindi sapat na naiintindihan mo kaya hahayaan mo na lang. Minsan hindi rin dapat dahil ayaw mo na ng away, ikaw na lang ang unang lalapit para matapos na. Lagi kong sinasabi sa mga kaibigan kong huwag na huwag nilang ibibigay ang kapangyarihan sa isang tao na mapaikot at mapaglaruan ang damdamin nila.

Kung may makikilala kang bagong tao na gustung-gusto mo, huwag kang magmamadali. Take your time, be more chill. Huwag mong ipipilit ang mga damdaming hindi pa dapat. Dapat sakto lagi ang timing. Huwag kang atat. I-enjoy mo lang ang simula ng posibleng bagong pag-ibig. Importante ang mga yan dahil masarap i-reminis kung paano kayo nagkakilala, naglandian, nagligawan, atbp. Subukan mo munang alamin kung kaya mong matagalan yung tao at kung kaya mong ma-overlook ang lahat ng hindi mo magugustuhan. Uulitin ko, i-enjoy mo ang bawat eksena.

At kung naging kayo na, kapag alam mong hindi na healthy ang mga nangyayari sa inyo, huwag ka nang manghinayang. Pag nagsimula ka nang magduda, yun na ang tamang oras para lumisan. Kapag niloko ka sa una, huwag mo nang pagbibgyan dahil, maniwala ka, uulitin at uulitin niya yan hangga’t alam niyang patatawarin mo siya. At kapag nagawa mo nang tumalikod, huwag na huwag ka nang lilingon pabalik.

MAGING MATAPANG KA. 

xxxxvi

Image

Dear Ambrocio,

Napakarami ko nang sulat sa’yo na hindi ko matapus-tapos dahil napakarami kong gustong sabihin at ikwento. Minsan sa sobrang haba, nawawala na lang ako sa kalagitnaan ngunit susubukan kong tapusin ang isang ito ngayon. Masyadong malakas ang mga pakiramdam para balewalain lang.

Medyo kakaiba ang gabing ito kumpara sa mga gabing nakalipas mula nang bumalik ka sa kinalulugaran mo. Sa tuwing ipinipikit ko ang mga mata ko, ang hugis mo sa dilim ang nakikita ko. Ang makurba mong katawang gustung-gusto ko. At ayun na, may kakaiba akong mararamdaman. Mas malakas nga siya ngayon dahil naranasan ko na talaga, hindi na siya bunga lamang ng pantasya. Iyon ang naiisip ko dahil mas nais nating nakapatay lang ang ilaw upang maging mas senswal at makahulugan ang pagkakapaan natin. Ang karampot na liwanag na nagmumula sa labas ang nagsisilbing gabay natin para mabagtas natin nang mas maayos ang bawat parte ng isa’t isa.

Lahat ng pag-iisa natin ay sobrang makahulugan sa’kin. Ispesyal lalo ang unang beses nating ginawa yun. Nagkasundo tayong huwag maglandian sa harap ng kompyuter ng dalawang linggo bago ka umuwi para mas maging matindi ang pagnanasa natin sa isa’t isa. Pumayag ako dahil alam kong makakabawi tayo pag magkasama na tayo.

Apat. Apat na beses nating ginawa sa loob lang ng isang araw. Mayroon pa ngang dalawang beses ako natatapos. Hinding-hindi ko makakalimutan nang inalis natin ang mga damit natin at nakita na natin sa wakas ang hubad na katawan ng isa’t isa nang malapitan sa unang pagkakataon. Hindi lang ang katawan mo ang gustung-gusto ko, pati ang amoy ng balat mo. Lahat ng dapuan ng mga kamay ko, tila ba nag-aalab sa init. Gustung-gusto ko ang lasa ng lahat ng dinadaanan ng dila ko. At ang mga daliri ko ang nakapagpatunay sa lahat ng init at libog na dumadaloy sa iyong katawan. Gustung-gusto kita. Gustung-gusto ko ang pakiramdam na nasa tabi mo. Gustung-gusto kong napapaligaya kita. Gustung-gusto ko ang kasarapan mo.

Hindi mawala sa isipan ko hanggang ngayon ang mga salitang binibitawan mo sa tuwing nakakaramdam ka ng sarap. Inuutusan mo akong huwag akong titigil at ayaw mong matapos dahil gustung-gusto mo ang pakiramdam. Minsan pa nga’y napapamura ka pa. Gusto kong sinasabi mo kung ano ang gusto mong gawin ko sa’yo. Hindi ko alam kung alam mo ngunit may ilang bagay na unang beses ko lang nagawa nang dahil sa’yo. May mga araw pa ngang ang gusto ko lang sana ay ikaw lang ang pagsisilbihan ko. Ganyan kasarap ang lasa mo. Ganyan kita kagusto.

Kung ispesyal ang una, mas paborito ko naman ang huli. Hindi natin nagawa yun dalawang araw bago ka dapat umalis dahil sa dami ng ginagawa natin. Pero alam kong gumawa ng paraan ang mundo at hindi niya tinuloy ang paglipad mo nung gabing iyon. Binigyan niya tayo ng pagkakataong maging isa sa huling pagkakataon.

At ayun, para tayong napakatagal na hindi nagkita sa huling gabi natin. Ang nasa isip ko lang, ibibigay ko sa’yo ang lahat ng pwede kong ibigay upang baunin mo ang mga alaala hanggang sa makauwi ka. Yun na marahil ang pinakamatinding bagay na nagawa ko sa kahit kanino. Sa’yo lang. Ayaw kitang tigilan at ayaw mo din namang matapos. Ibinuhos ko na ang lahat ng lakas ko kahit na para bang mapuputol na ang mga daliri ko o naninigas na ang mga kalamnan ko. Kung saan-saan kita ipinwesto. Walang mapaglugaran ang sarap, libog, saya at pagod. Lahat nagsama-sama na.

At ikaw, alam mong nagtataka pa ko minsan dahil iniisip kong naghalo lang siguro ang laway mo at ang katas ko kaya ganun ang pakiramdam sa baba. Hindi pala. Ganun pala dahil iba talaga kapag gusto mo ang ginagawa mo sa isang tao–kapag nasasarapan ka sa kanya. Hindi ako nagiging maramot kapag ikaw naman ang nagtra-trabaho. Gustung-gusto ko kapag sabay tayong gumagalaw. Kapag sabay nating pinapaligaya ang isa’t isa. Ikaw lagi ang umiibabaw dahil ikaw ang mas maliit sa’ting dalawa. Gusto natin parehong pinagsasabay ang dila at daliri dahil alam naman siguro ng lahat na yun ang pinakamasarap. Hindi rin naman kasi talaga tayo ganun kahirap paligayahin.

Ang dami kong bagay na gustung-gusto sa lahat ng ginawa natin. Napakarami. Pero ikaw ang pinakagusto ko sa lahat. Pagkatapos ng lahat ang gawain natin sa isang araw, alam mong ang pinaka-paborito’t hinahanap-hanap ko ay tuwing katabi kitang matulog at yayakapin kita mula sa likod sabay kukunin mo ang kamay ko. Kahit hindi na tayo magtalik araw-araw, mas kailangan ko ang yakap mo o kahit madikit man lang ang balat ko sa mainit mong katawan.

Mahal na mahal kita. Hindi na ko makahintay na makasama kang muli. Kahit ano ipagpapalit ko para sa isang araw sa tabi mo. Miss na miss na kita at hinahanap-hanap kita gabi-gabi.

Bogart