xxxxvi

Image

Dear Ambrocio,

Napakarami ko nang sulat sa’yo na hindi ko matapus-tapos dahil napakarami kong gustong sabihin at ikwento. Minsan sa sobrang haba, nawawala na lang ako sa kalagitnaan ngunit susubukan kong tapusin ang isang ito ngayon. Masyadong malakas ang mga pakiramdam para balewalain lang.

Medyo kakaiba ang gabing ito kumpara sa mga gabing nakalipas mula nang bumalik ka sa kinalulugaran mo. Sa tuwing ipinipikit ko ang mga mata ko, ang hugis mo sa dilim ang nakikita ko. Ang makurba mong katawang gustung-gusto ko. At ayun na, may kakaiba akong mararamdaman. Mas malakas nga siya ngayon dahil naranasan ko na talaga, hindi na siya bunga lamang ng pantasya. Iyon ang naiisip ko dahil mas nais nating nakapatay lang ang ilaw upang maging mas senswal at makahulugan ang pagkakapaan natin. Ang karampot na liwanag na nagmumula sa labas ang nagsisilbing gabay natin para mabagtas natin nang mas maayos ang bawat parte ng isa’t isa.

Lahat ng pag-iisa natin ay sobrang makahulugan sa’kin. Ispesyal lalo ang unang beses nating ginawa yun. Nagkasundo tayong huwag maglandian sa harap ng kompyuter ng dalawang linggo bago ka umuwi para mas maging matindi ang pagnanasa natin sa isa’t isa. Pumayag ako dahil alam kong makakabawi tayo pag magkasama na tayo.

Apat. Apat na beses nating ginawa sa loob lang ng isang araw. Mayroon pa ngang dalawang beses ako natatapos. Hinding-hindi ko makakalimutan nang inalis natin ang mga damit natin at nakita na natin sa wakas ang hubad na katawan ng isa’t isa nang malapitan sa unang pagkakataon. Hindi lang ang katawan mo ang gustung-gusto ko, pati ang amoy ng balat mo. Lahat ng dapuan ng mga kamay ko, tila ba nag-aalab sa init. Gustung-gusto ko ang lasa ng lahat ng dinadaanan ng dila ko. At ang mga daliri ko ang nakapagpatunay sa lahat ng init at libog na dumadaloy sa iyong katawan. Gustung-gusto kita. Gustung-gusto ko ang pakiramdam na nasa tabi mo. Gustung-gusto kong napapaligaya kita. Gustung-gusto ko ang kasarapan mo.

Hindi mawala sa isipan ko hanggang ngayon ang mga salitang binibitawan mo sa tuwing nakakaramdam ka ng sarap. Inuutusan mo akong huwag akong titigil at ayaw mong matapos dahil gustung-gusto mo ang pakiramdam. Minsan pa nga’y napapamura ka pa. Gusto kong sinasabi mo kung ano ang gusto mong gawin ko sa’yo. Hindi ko alam kung alam mo ngunit may ilang bagay na unang beses ko lang nagawa nang dahil sa’yo. May mga araw pa ngang ang gusto ko lang sana ay ikaw lang ang pagsisilbihan ko. Ganyan kasarap ang lasa mo. Ganyan kita kagusto.

Kung ispesyal ang una, mas paborito ko naman ang huli. Hindi natin nagawa yun dalawang araw bago ka dapat umalis dahil sa dami ng ginagawa natin. Pero alam kong gumawa ng paraan ang mundo at hindi niya tinuloy ang paglipad mo nung gabing iyon. Binigyan niya tayo ng pagkakataong maging isa sa huling pagkakataon.

At ayun, para tayong napakatagal na hindi nagkita sa huling gabi natin. Ang nasa isip ko lang, ibibigay ko sa’yo ang lahat ng pwede kong ibigay upang baunin mo ang mga alaala hanggang sa makauwi ka. Yun na marahil ang pinakamatinding bagay na nagawa ko sa kahit kanino. Sa’yo lang. Ayaw kitang tigilan at ayaw mo din namang matapos. Ibinuhos ko na ang lahat ng lakas ko kahit na para bang mapuputol na ang mga daliri ko o naninigas na ang mga kalamnan ko. Kung saan-saan kita ipinwesto. Walang mapaglugaran ang sarap, libog, saya at pagod. Lahat nagsama-sama na.

At ikaw, alam mong nagtataka pa ko minsan dahil iniisip kong naghalo lang siguro ang laway mo at ang katas ko kaya ganun ang pakiramdam sa baba. Hindi pala. Ganun pala dahil iba talaga kapag gusto mo ang ginagawa mo sa isang tao–kapag nasasarapan ka sa kanya. Hindi ako nagiging maramot kapag ikaw naman ang nagtra-trabaho. Gustung-gusto ko kapag sabay tayong gumagalaw. Kapag sabay nating pinapaligaya ang isa’t isa. Ikaw lagi ang umiibabaw dahil ikaw ang mas maliit sa’ting dalawa. Gusto natin parehong pinagsasabay ang dila at daliri dahil alam naman siguro ng lahat na yun ang pinakamasarap. Hindi rin naman kasi talaga tayo ganun kahirap paligayahin.

Ang dami kong bagay na gustung-gusto sa lahat ng ginawa natin. Napakarami. Pero ikaw ang pinakagusto ko sa lahat. Pagkatapos ng lahat ang gawain natin sa isang araw, alam mong ang pinaka-paborito’t hinahanap-hanap ko ay tuwing katabi kitang matulog at yayakapin kita mula sa likod sabay kukunin mo ang kamay ko. Kahit hindi na tayo magtalik araw-araw, mas kailangan ko ang yakap mo o kahit madikit man lang ang balat ko sa mainit mong katawan.

Mahal na mahal kita. Hindi na ko makahintay na makasama kang muli. Kahit ano ipagpapalit ko para sa isang araw sa tabi mo. Miss na miss na kita at hinahanap-hanap kita gabi-gabi.

Bogart

4 thoughts on “xxxxvi

  1. Bravo! Ang galing ng pagkakasulat. Gusto ko bilangin ilang beses mo ginamit ang salitang “gusto”. Ang dami e. Talagang puno ng pagnanasa. LOL

    • Hahaha! Uy, salamat naman na-appreciate mo. Feeling ko ang tanga ng pagkakasulat kasi minsan hindi na ko makaisip ng gagamiting salita. Kaya mga isang milyong beses lumabas yung word na “gusto”. Haha.

      Next time try kong gawing mas senswal, yung gagamit na ko talaga ng angkop na words. Medyo naiilang pa ko e. :))

  2. Actually, si (future) girlfriend ko unang nakakita tapos kinuwento nya sa kin. Kaya kamusta naman ang topic namin kaninang umaga di ba. LOL

    Sumulat ka pa ng mga ganyan. Saya e!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s