Ilang kalat sa utak ko.

Ang ilang kaganapan nitong mga nakaraang linggo ang tuluyang nagpapatunay sa’kin na maswerte talaga ko sa relasyong mayroon ako ngayon. Lagi kong inuuna ang pagkabig na hindi perpekto ang relasyon namin ni Ambrocio bilang wala namang perpekto sa mundo ngunit alam naming pareho na ito ang kailangan namin–na ito ang nararapat talaga sa’min.

Minsan ay hindi ko maiwasang maging malungkot para sa mga kaibigan kong hindi pa rin nakakahanap ng tunay na pag-ibig at maayos na relasyon hanggang ngayon. Hindi ako naaawa sa kanila, nalulungkot ako. Tingin ko ay magkaibang bagay yun. Bakit kamo? Dahil naniniwala akong ang mga tao sa paligid ko ay mabubuting tao na may napakagagandang puso. Kung mayroon man silang dine-deserve sa mundong ito, yun ay makahanap sila ng mamahalin at magmamahal sa kanila sa kabila ng lahat ng kapintasan, pagkukulang at problema.

Wala naman akong ibang hinahangad para sa kanila, yun lang naman talaga. Gusto kong makahanap sila ng katulad ni Ambrocio o ng relasyong kasing-ayos ng sa amin. Hindi naman ako nagi-guilty na masaya ako’t sila naman ay hindi. Alam kong kahit konti, yung positivity na galing sa’ming dalawa ay nahahawa naman ang iba. Masaya din naman ako dahil alam kong kahit may kani-kanila silang dinidibdib pagdating sa usapang puso, tunay na masaya sila para sa’min.

Para sa mga kaibigan kong makakabasa nito na patuloy pa rin ang paghahanap sa tamang tao para sa kanila, cliche na kung cliche pero alam kong darating din kayo sa tamang destinasyon. Hindi naman din ako ganito kasaya nung isang taon. Ang daming klase ng break-ups ang pinagdaanan ko. Ang daming pinto ang sinara, binuksan at sinara kong muli. Hindi naging madali. Paulit-ulit ko ngang sinasabi na napaglaruan ng nakaraang taon ang damdamin ko, ‘di ba? Para ngang inubos ko lang ang unang kalahati ng 2012 sa paghahanap at pag-aayos sa sarili ko na muntik nang hindi magtagumpay dahil halos sirain ko na ito. Ni wala sa plano kong maghanap ng bagong iibigin at papapasukin sa puso’t buhay ko. Wala rin sa plano ko ang makasakit ng ibang tao. Pero yun na nga, dumating si Ambrocio. Wala pa ring nagbabago simula nung una kaming nagkausap hanggang ngayon. Consistent. Kahit nang magsimula na kaming magkaroon ng pagkagusto sa isa’t isa, wala pa ring nagbago. Hanggang sa aminin na namin sa mga sarili namin at sa isa’t isa na kami nga talaga ang dapat, na masaya kami, walang nagbago. Inihanda lang talaga namin ang mga sarili namin kung sakaling dumating ang araw na magde-desisyon kaming gawin nang opisyal ang lahat.

Sa tingin ko, tayo lang din naman ang gumagawa ng ikaka-kumplika ng mga relasyon natin. Hindi naman pag sinabi ng taong kumplikado siya, ganun na nga talaga. Mas mahirap sa mga kagaya namin dahil pareho kaming babae, parehong emosyonal. Nagiging uso na ngayon ang maglalandi’t sasabihing hindi sila handa sa relasyon. Sa paglalandi ready, sa relasyon hindi? Minsan ginagawa na lang nilang excuse na fucked up sila para makalusot sa mga bagay na hindi naman nila dapat na ginagawa o hindi kayang gawin. Minsan hindi sapat na naiintindihan mo kaya hahayaan mo na lang. Minsan hindi rin dapat dahil ayaw mo na ng away, ikaw na lang ang unang lalapit para matapos na. Lagi kong sinasabi sa mga kaibigan kong huwag na huwag nilang ibibigay ang kapangyarihan sa isang tao na mapaikot at mapaglaruan ang damdamin nila.

Kung may makikilala kang bagong tao na gustung-gusto mo, huwag kang magmamadali. Take your time, be more chill. Huwag mong ipipilit ang mga damdaming hindi pa dapat. Dapat sakto lagi ang timing. Huwag kang atat. I-enjoy mo lang ang simula ng posibleng bagong pag-ibig. Importante ang mga yan dahil masarap i-reminis kung paano kayo nagkakilala, naglandian, nagligawan, atbp. Subukan mo munang alamin kung kaya mong matagalan yung tao at kung kaya mong ma-overlook ang lahat ng hindi mo magugustuhan. Uulitin ko, i-enjoy mo ang bawat eksena.

At kung naging kayo na, kapag alam mong hindi na healthy ang mga nangyayari sa inyo, huwag ka nang manghinayang. Pag nagsimula ka nang magduda, yun na ang tamang oras para lumisan. Kapag niloko ka sa una, huwag mo nang pagbibgyan dahil, maniwala ka, uulitin at uulitin niya yan hangga’t alam niyang patatawarin mo siya. At kapag nagawa mo nang tumalikod, huwag na huwag ka nang lilingon pabalik.

MAGING MATAPANG KA.Β 

8 thoughts on “Ilang kalat sa utak ko.

  1. Gustong gusto ko itong sinulat mo. Lalo na yung take your time at be more chill. Maganda ang resulta ng mga bagay na hindi minamadali. Masarap din balik-balikan paano nagsimula lahat. Relate na relate ako di ba? LOL

    • Haha! ‘Di ba? Kami ni Ambrocio yan din ang ginawang diskarte para walang sasablay. Hindi kami masyadong nagpapadala sa feelings. Sa totoo lang, habang sinusulat ko ‘to, isa kayo ni A sa nasa isip ko.πŸ™‚ Happy ako para sa inyong dalawa kasi nahanap niyo na ang isa’t isa! Happy ako para sa’ting lahat!πŸ™‚

      • Yihee! Matutuwa si A. Siya pa rin una nakakita ng blog post mo at sabi niya naka-relate daw sya sayo. Minsan napag-uusapan namin kayo at natutuwa kami sa inyo.πŸ™‚

        Pareho tayo di naging maganda ang 2012 (ikaw yung simula lang ng 2012). Kaya ang saya na buhos buhos ang happiness ngayon. Sana di na mataposπŸ™‚

      • I know! Naniniwala talaga kong karapat-dapat tayo sa happiness na ‘to. I think we’ve suffered enough. Matagal din tayong naging lonely kaya it’s our time to shine naman. Hahahaha.

  2. Sa nabasa ko…. Napakagaling Nak. Somehow, nagkaron rin akonng linaw. May ibang parte na tinamaan ako kahit alam kong ito ay hindi para sakin o sa tingin ko ay para sa nakararami na makakarelate. Hehe. Nice. And thanksπŸ˜‰

    • Para naman talaga sa inyong lahat ‘to na patuloy pa ring naghahanap hanggang ngayon. Kung pagmamahal man yan o katahimikan, sinubukan ko siyang maging applicable sa halos lahat ng sitwasyon.πŸ™‚

      Salamat and you’re welcome.πŸ™‚

  3. Nakarelate ako mula sa unang sentence hanggang sa kahuli-hulihan. Ang ganda.

    Pinaglaruan din ang feelings ko at naranasan ko na din tumalikod at hindi na lumingon pabalik. Motto ko ata ito sa buhay. At syempre, nahanap din ang tao na para sa akin kung kelan hindi inaasahan, pero masaya dahil hindi atat at naging tama ang timing.

    At, pahabol, kinikilig ako pag nakikita ko ang picture nyo ni Ambrocio.

    -A.

    • Salamat!πŸ™‚ Uulitin ko yung sinabi ko kay Jing, happy ako para sa inyo.πŸ™‚ At bihira lang din akong kiligin para sa ibang tao kaya tunay yung kilig ko para sa inyo. Haha. Humayo kayo’t magsabog ng good vibes!πŸ™‚

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s