xxxxviii

Aside

Nami-miss ko na yung kapag niyayaya kitang sabay na tayo maligo tapos sasabihin mo sa’king mauna na ko at uubusin mo lang ang yosi mo pero alam kong hindi rin naman tayo makapagsasabay kasi mari-realize kong dapat talaga e laging ako ang mauunang maligo dahil marami pa kong seremonyas. Hindi kagaya mo na kapag nakapagbihis na, yun na. Nami-miss ko rin kapag walang humpay kang nagsasabi ng I LOVE YOU habang nasa loob ako ng banyo. Paulit-ulit na, “Love? I love you!”

“Love? I love you?”

“Love? I love you!”

Nami-miss ko na kapag tapos na kong maglagay ng make-up ay hihiga ka na sa tabi ko at magpapalagay ka sa’kin ng eyeliner at mascara at magpapaayos ka ng kilay. Sabi mo sa’kin mo lang gustong magpalagay ng kolorete sa mukha dahil hindi ka nagmumukhang bakla. At oo, gusto mong nakahiga ka lang kapag inaayusan kita, mahal na prinsesa.

Miss, bakit ang ganda mo?

Image

Advertisements

Ang Ganda Ko. Ang Haba Ng Hair Ko.

Friends don’t tell friends that it’s okay to flirt with other girls and that they’d understand. Maybe you would, but I won’t. We’ve agreed a long time ago that we’re too old for that. 🙂

Alam ko na ngayon na mas swerte ako kesa sa inaakala ko. Nagpapasalamat akong napaka-loyal sa’kin ng girlfriend ko at ako ang pinakamagandang babae sa buong kalawakan para sa kanya. Wala siyang time na tumingin man lang sa iba kahit napakalayo namin sa isa’t isa.

We both know that one small mistake could ruin everything we’ve built. Sinabi ko nga sa kanya, “Aanhin mo ang panandaliang paglalandi kung habambuhay na kalandian ko naman ang ino-offer ko sa’yo?” Yes, my girlfriend knows that. And that’s the only thing she wants. I AM THE ONLY PERSON SHE WANTS.

Hindi kami madalas mag-away. At kung mag-aaway man kami, ayokong ibang tao ang maging dahilan. Mas pipiliin ko pa din syempre na pag-awayan namin ang mga ugali namin o ang magkaibang pananaw namin sa iba’t ibang bagay pero hindi ang ibang tao. Hinding-hindi.

So, yeah, ang swerte ko talaga. She makes me feel like I’m the only girl in the world. 😉

Punung-puno ng PELENGS ang Linggo ng gabi ko.

Aside

Punung-puno ng PELENGS ang Linggo ng gabi ko. Pinanood namin ng mga kaibigan ko ang Sa Wakas sa PETA Theater. Hinanda ko na ang sarili ko sa lahat ng pakiramdam na maaaring magpumilit na pumasok sa puso’t utak ko. Na-warningan naman na ko ng mga kaibigan ko. Kaya lang  mas apektado pa din talaga sila kasi nga… alam mo na. 🙂

Ipinakita ng Sa Wakas ang unti-unting pagkasira ng relasyon na minsa’y binalot ng saya at pag-ibig at ang mga pagkakasalang nagagawa ng isang tao para lang mabawi ang kung anumang nawala. Noon pa man, natutunan ko na talaga na yun at yun din lang naman ang mga mangyayari, paulit-ulit, iba-ibang atake at diskarte, pero iisang cycle lang talaga. Magkakakilala, kikiligin, magkakaligawan, mahuhulog sa isa’t isa, magiging masaya, magiging kumportable, mauumay, maririndi, mag-aaway, maghahanapan ng mga pagkukulang, magbabatuhan ng sisi at pagkakamali hanggang sa unti-unti nang aayaw, gagawa ng kasalanan, isisisi sa iba ang maling nagawa, at marami pang iba hanggang sa makarating sa hindi na mapigilang pagwawakas.

Sa buong pakikipagrelasyon ko, naranasan ko nang malagay sa posisyon nila Lexi, Gabbie at Topper. Naranasan ko nang manloko, maloko at maging dahilan ng pagloloko. Isang linyang tumatak sa’kin ay nang sabihing ni Topper na minsan daw ay mas masarap lang talagang malito. Sa totoo lang, hindi masarap malito. Mahirap malito. Siguro masarap lumandi, pero hindi madaling malito.

 

Pinipilit kong intindihin ang lahat tungkol sa bawat karakter sa kwento. Ang mga paghihirap at pinagdadaanan nila. Pati na din ang pagpapaikot na ginagawa ni Topper kina Lexi at Gabbie. Ngunit kahit ano pa man ang dahilan o excuse natin, hindi tama ang manloko. Hindi tama ang manghila ng isang tao sa isang magulong sitwasyong hindi mo kayang panindigan. Hindi tama ang mambasag ng katahimikan ng iba kung hindi mo rin lang naman susubukang buuin ito pagkatapos mong makinabang. 

At mas lalong hindi na dapat ipilit pa kung talagang alam mong wala na. 

 

(Disclaimer: Gusto ko pa sanang pahabain at samahan ng mga pa-deep at kung anu-ano pang ka-eklatan kaso tinatamad na ko. At pag pinagpabukas ko na naman ‘to, baka manatili na naman siya sa Drafts at hindi ko na mapo-post kahit kelan. Talagang nasa dulo yung disclaimer e, ‘no?)

Kasuotan Ngayong Araw Blg. 1

Aside

I know I gave up on fashion blogging more than a year ago but I still miss it sometimes. So instead of creating a new blog (I’m maintaining three blogs, by the way), naisip kong dito ko na lang i-post yung outfit photos paminsan-minsan para lang mapagbigyan ang hilig.

Kaya para sa pinakaunang outfit post sa blog na ito, dalawa ang ilalagay ko. Pagbigyan niyo na ko, please! Hahahaha!

Image

Imagedenim vest – thrifted | maxi skirt – Mango | Rocco bag – Alexander Wang | patented creepers – Syrup | camo top Forever21 | oversized gold watch – Invicta

ImagePhotos by Ja

Ito yung isa pa! Sorry na sa hashtag selfie shot. 🙂

Image

 chambray shirt – thrifted | black tank top – Forever21 | printed pants – Uniqlo | wedge sneakers – Skechers | Pandora bag – Givenchy

Yes, I do have a LookBook account. It’s outdated, though. I think tinamad akong mag-picture nang maayos nang mag-switch ako sa iPhone. You can check it out. 🙂 Here’s the link: http://lookbook.nu/eseiran

Baboosh!

Aside

20130403-232906Nami-miss ko na ang mga umagang ikaw ang unang nakikita ko. Kung sa normal na araw ay ang telepono ko ang unang hinahanap ko, nung andito ka, ang kamay mo naman ang unang gustong makapa ng kamay ko. Paborito ko kapag nauuna kang bumangon sa’kin at didiretso ka sa banyo para maghilamos at mag-sipilyo ng ipin. Kahit antok na antok pa ko’y susundan kita ng tingin at pagmamasdan lang. Sige na, bobosohan na din. At nanakawan ng kuhang kagaya nito.

Maganda ang bawat umaga kapag kasama ka.

Pero mas maganda ka pa sa umaga.