Punung-puno ng PELENGS ang Linggo ng gabi ko.

Punung-puno ng PELENGS ang Linggo ng gabi ko. Pinanood namin ng mga kaibigan ko ang Sa Wakas sa PETA Theater. Hinanda ko na ang sarili ko sa lahat ng pakiramdam na maaaring magpumilit na pumasok sa puso’t utak ko. Na-warningan naman na ko ng mga kaibigan ko. Kaya lang  mas apektado pa din talaga sila kasi nga… alam mo na.🙂

Ipinakita ng Sa Wakas ang unti-unting pagkasira ng relasyon na minsa’y binalot ng saya at pag-ibig at ang mga pagkakasalang nagagawa ng isang tao para lang mabawi ang kung anumang nawala. Noon pa man, natutunan ko na talaga na yun at yun din lang naman ang mga mangyayari, paulit-ulit, iba-ibang atake at diskarte, pero iisang cycle lang talaga. Magkakakilala, kikiligin, magkakaligawan, mahuhulog sa isa’t isa, magiging masaya, magiging kumportable, mauumay, maririndi, mag-aaway, maghahanapan ng mga pagkukulang, magbabatuhan ng sisi at pagkakamali hanggang sa unti-unti nang aayaw, gagawa ng kasalanan, isisisi sa iba ang maling nagawa, at marami pang iba hanggang sa makarating sa hindi na mapigilang pagwawakas.

Sa buong pakikipagrelasyon ko, naranasan ko nang malagay sa posisyon nila Lexi, Gabbie at Topper. Naranasan ko nang manloko, maloko at maging dahilan ng pagloloko. Isang linyang tumatak sa’kin ay nang sabihing ni Topper na minsan daw ay mas masarap lang talagang malito. Sa totoo lang, hindi masarap malito. Mahirap malito. Siguro masarap lumandi, pero hindi madaling malito.

 

Pinipilit kong intindihin ang lahat tungkol sa bawat karakter sa kwento. Ang mga paghihirap at pinagdadaanan nila. Pati na din ang pagpapaikot na ginagawa ni Topper kina Lexi at Gabbie. Ngunit kahit ano pa man ang dahilan o excuse natin, hindi tama ang manloko. Hindi tama ang manghila ng isang tao sa isang magulong sitwasyong hindi mo kayang panindigan. Hindi tama ang mambasag ng katahimikan ng iba kung hindi mo rin lang naman susubukang buuin ito pagkatapos mong makinabang. 

At mas lalong hindi na dapat ipilit pa kung talagang alam mong wala na. 

 

(Disclaimer: Gusto ko pa sanang pahabain at samahan ng mga pa-deep at kung anu-ano pang ka-eklatan kaso tinatamad na ko. At pag pinagpabukas ko na naman ‘to, baka manatili na naman siya sa Drafts at hindi ko na mapo-post kahit kelan. Talagang nasa dulo yung disclaimer e, ‘no?)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s