WANYIR

Dear Ambrocio,

Ito ang pinakahihintay natin, isang taon na tayo. Ang bilis! Kasing-bilis ng unang season ng The Walking Dead! Parang six months ago lang, magkasama lang tayo, and we were the happiest people on Earth. Ibang klase! Masaya tayo, oo, pero mas masaya tayo pag magkasama. Siguro yun ang dahilan ng mga luha natin nang bumalik ka na sa parte mo ng mundo. Ubod nang saya kaya ayaw nating maghiwalay na sana hangga’t maaari.
Pero kita mo naman, mahal ko, lagpas anim na buwan na agad ang lumipas. Konti na lang, alam kong magkakasama na tayong muli. Mayayakap at mahahalikan na naman kita. Miss na miss ko na ang mainit mong katawan. Hindi ko na kailangang magkumot dahil nakapa-warm mo sa lahat ng aspeto.
Mahal ko, maraming salamat. Maraming salamat dahil pinayagan mo kong pumasok at masaksihan ang buhay mo mula sa point of view ko bilang girlfriend mo. Salamat dahil ipinagkatiwala mo sa’kin ang ibang bagay na matagal mong tinago sa sarili mo nang matagal na panahon. Salamat dahil alam kong nagsisipag ka lalo ngayong magtrabaho dahil gustung-gusto mo na kong makasama, ituloy ang mga plano at abutin ang mga pangarap natin. Salamat sa pagmamahal, sa pagkukunsinti sa mga kabaliwan ko, sa appreciation, sa pagsasabi sa’king maganda ako kahit hindi pa ko naliligo o bagong gising ako, sa pagsunod sa mga layaw ko, sa pangii-spoil sa’kin, sa pagiging good listener, sa minu-minutong pagsasabi’t pagpapaalala kung gaano mo ko kamahal, at marami pang iba. Napakahaba ng listahan ko.
Nakaka-amaze pa din minsan sa tuwing naiisip natin kung gaano tayo ka-swak sa isa’t isa. Kung gaano tayo kapareho at magkaiba. Kung paano tayo nagkakasundo at nagkakaiba sa napakaraming bagay. Yung mga kahinaan ko, yun ang kalakasan mo, at ganun din sa’yo. Magkaiba tayo pero tumutugma pa din. SWAK. Wala na yatang ibang salita para dyan.
Sa isang taon natin, parang wala pang sampung beses tayong nagtalo. At yung mga pagtatalo na yun pa ay sobrang babaw. Kagaya na lang ng hindi tayo pareho ng na-download na version nung dalawang movies na napanood natin. Director’s Cut ang akin, yung sa’yo theatrical version. Yung mga pag-aaway pa natin, hindi pa mismo dahil sa ugali natin o masamang ginawa, kasalanan ng Piratebay pa minsan. Joke lang. Pero ang saya, ang payapa. May mga araw na magka-Skype tayo pero may iba tayong ginagawa, nanonood ka ng random videos sa YouTube at ako naman nagbabasa ng libro o kaya naglalaro ng Campus Life. Tapos kung may makita o mabasa tayong interesting, ibinabahagi natin sa isa’t isa. Nakakatuwa lang na minsan kahit hindi tayo nag-uusap, alam nating andun tayo pareho, na walang mali, na hindi tayo bored sa relasyon natin. Kasi alam kong kung magkasama tayo ngayon, ire-respeto talaga natin na kailangan natin minsang gawin ang mga hilig natin kahit magkatabi pa tayo. At yun ang isa sa mga gustung-gusto ko sa’yo, hinahayaan mo ko, sinusuportahan mo ko. At nae-enjoy natin pareho ang katahimikan.
Ni minsan hindi ko naramdaman sa’yo na ka-kumpitensya kita sa kahit ano. Alam kong tunay na masaya ka para sa’kin sa tuwing may maganda akong balitang bitbit, yung walang halong inggit, yung ramdam kong proud ka sa’kin. At alam mong ganun din ako. Kapag may maganda kang balita, minsan parang mas excited pa ko sa’yo na parang ako mismo yung nakakaranas nun. Isang halimbawa na lang yung dapat na sorpresa ko sa’yo para sa anniversary natin. Hindi ko napigilang sabihin sa’yo sa sobrang excitement.
Isa pa yan, hindi natin kailangang i-impress ang isa’t isa o ang ibang tao para lang may mapatunayan. For the first time in my life, kumikilos ako para sa sarili ko. Nagmamahal ako dahil nagmamahal ako at hindi dahil may gusto akong patunayan sa ibang tao.
Isang taon na tayo pero hindi nagiging sanhi ng kalungkutan natin ang milya-milyang distansyang namamagitan sa’tin. Ni hindi nga yata tayo nakakaramdam ng lungkot e. Isang beses lang tayo napaiyak ng distansyang yan, nang umalis ka na sa piling ko’t bumalik ka dyan. Pero pagkatapos nun, mas malakas na tayo more than ever.
I love how consistent we’ve been since day one. Yung mga pinangako natin sa isa’t isa nung simula pa lang tayong mag-usap, natutupad pa din natin. Lahat ng sinabi nating gusto natin, yun pa din. Hindi nagbago kahit naging tayo na, kahit nagkita’t nagkasama na tayo. Ang galing.
Mahal na mahal kita. Hindi na ko makahintay na makasama ka ulit. Hindi na ko makahintay na bumalik ka sa’kin at hindi na umalis ulit. You’re my love, my best friend, my everything. A, basta, akin ka na poreber. Walang bawian, touch-move.
I LOVE YOU.
Bogart

3 thoughts on “WANYIR

  1. napakatamis naman ng mga salita! kung kaya lang kainin ni ishe ang mga salitang binitawan mo malamang may diabetes na siya🙂
    happy anniversary to both of u (belated) and sana makabasa ulit ako ng ganito sa susunod na taon (aabangan ko ha?)🙂

    stay in love u two!!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s